Zamuel Chord's POV
Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa closet ng marinig kong tumunog ang phone ko. Sinara ko muna ang closet bago lumapit sa phone ko na nasa kama.
-Baba ka'na dito. Nandito na si Kai.
Text galing kay Bruce. Tamad talaga, pwede naman niya akong puntahan 'dito sa taas para sabihan. Hindi ko na lang siya nireplyan at nilapag nalang sa side table.Bumaba na ako kaagad at nakita ko silang dalawa sa baba na nag-uusap. Naagaw ko ata ang atensyon nila kaya napatingin sila sa akin.
"Anong klaseng buhok 'yan.." bati sa akin ni Kai at tumayo at lumapit sa akin para tapikin ako sa braso.
"Nice to see you too" sarkastikong sagot ko pero inismaran niya lang ako.
This guy's name is Kai Lim Dunne. Isa rin sa matalik kong kaibigan noon pa man. Silang dalawa ni Bruce lang ang pinakamalapit sa akin na kaibigan.
Sa aming tatlo ay si Kai ang pinakatahimik. Piling tao lang ata ang kinakausap niya. Pero kapag nagsasalita na siya ay mas gugustuhin mo nalang na tahimik siya. Madalas kasing straightforward kaya minsan nakakasakit ang pananalita niya.
"Bumili ako ng beers at mga pagkain." Sabi ni Kai at tinuro yung mga plastic bags na nakapatong sa lamesa.
"Nag-abala ka pa, hindi naman na kailangan." Sabi ko dahilan para pag-kunutan niya ako ng noo.
"Kung ayaw mo edi dadalhin ko nalang pabalik--"
"Sabi ko nga salamat." Putol ko sa kanya at tiningnan ang mga pagkaing dala niya. Mga can goods at chichirya ang laman 'nun at iba pang pagkain na pwedeng lutuin. May dala 'din siyang pizza at maraming beers.
"Kumusta na kayo 'dito?" Tanong ko at muli silang hinarap.
"Good." Tanging sagot ni Kai.
"Tch, still quiet as ever, huh?" Iling-iling kong sabi.
"Alangan namang parati akong nakasigaw diba?"
Hindi ko alam pero naaalala ko naman yung demonyong babaeng maingay kanina sa airport.
"Okay lang naman kami. Pasukan na next month, plano na nga naming magpa-enroll eh. Sabay ka nalang sa amin. " Singit ni Bruce sa usapan. Binuksan ko naman ang isang beer at kumuha ng slice ng pizza.
" Sige.." sagot ko at tumahimik. Mga ilang sandali pa bago ako nadesisyong mag-tanong.
"Si a-ano nga pala.." maya maya ay sabi ko, tumingin naman sila sa akin " Kumusta na pala siya ?" Tanong ko sa kanila.
"Sinong siya?" Tanong ni Bruce. Kahit kailan talaga slow 'to. Isa lang naman ang alam nilang kakamustahin ko bukod sa kanilang dalawa.
" Ano sa tingin mo?" Tanong pabalik sa akin ni Kai. Mabuti pa'to at nagets kaagad.
" Kakamustahin ko ba kung alam ko na?" Sarkastikong sabi ko at uminom ng beer.
" Tingin ko nakamove-on na 'yun.." Diretsong sabi ni Kai at kumuha ng slice ng pizza. Natigilan naman ako sa kanya.
" Ah~ siya.." mukhang na-gets na ni Bruce kung sino ang tinutukoy ko.
"Umalis ka kasi eh, alangan namang umiiyak pa rin 'yun hanggang ngayon diba?" Kahit kailan talaga, ang straightforward pa rin niyang mag salita hanggang ngayon.
" Tingin 'nyo..may pag-asa pa ba ako sa kanya?" Nakatunong tanong ko.
" Oo naman! Ikaw pa, baka may konte ka pang pag-asa kahit papano..Ipaliwanag mo lang 'yung dahilan mo. Maiintindihan naman 'nya siguro.." pagpapalakas ni Bruce sa loob ko.

BINABASA MO ANG
Beneath the Hate
Roman pour AdolescentsIs it true that there's love beneath hate? What if beneath hate is just more hatred? How can they love each other when they despise each other's existence? Can you love someone you hate? Can you hate someone you love?