Chapter 11

70 48 1
                                    

Lucy Fern's POV

Magbuhat 'nung mangyari kanina ay hindi na bumalik si Beasty. Breaktime na ngayon pero wala pa rin siya. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero nakakapagtaka lang kung saan 'yun nagsuot dahil mag-isa nalang bumalik dito sa room si Miss June kanina.

Si Meldy naman ay ipinatawag ng mga officers, miyembro kasi siya ng school council. May meeting daw silang gagawin para sa mga plano nila for this school year.

Kaya solo flight ako ngayon. Hindi rin naman ako gutom kaya hindi nalang din ako pumunta ng cafeteria. Baka mapag kamalan akong loner 'dun. Kaya mag-lilibot nalang ako rito sa campus. Wala naman dito ang pinagtataguan ko kaya okay lang.

And by means ng pinagtataguan, I meant Adrian. And well, I guess his girlfriend too. Yes, dito rin sa University na 'to nag-aaral si Adrian pero wala pa silang klase. Both him and my brother are on the same year level. At next week pa ang pasukan nila. Which explains why my brother will be coming home soon, and after that..

Ma-memeet  ko na raw ang fiancee ko..

Which is not going to happen. I have been planning some things para hindi ma tuloy ang plano ni daddy. And I'm gonna make my plan happen tonight.

Narating ko ang gym sa kakaikot dito sa loob ng campus. I should've done some troubles by now,lalong lalo na dahil bored ako. But now I'm behave..well, for now.

Wala naman talaga akong planong pumunta dito sa gym, pero bagong renovation daw ito kaya gusto ko sanang tingnan. Tinulak ko ang main door pero mukhang naka-lock ito. Pumunta ako sa gilid para tingnan kung meron bang pintuan pero wala pa rin.

You are my sunshine..

What was that?

Napatigil ako ng may marinig akong boses na kumakanta. Huminto ako para muling pakinggan kung saan 'yun nanggaling. Pero wala na naman akong naririnig. Guni-guni ko lang ba 'yun? O baka minumulto lang talaga ako?

My only sunshine...mmhmm..

when skies are grey..

Aalis na sana ako run ng marinig ko na naman ang boses na 'yun. Isang malamig, malalim at magandang boses ng lalaki...or ghost? Ang ganda naman ata ng boses na 'yun para maging isang tao. Pero come to think of it, parang pamilyar sa akin ang boses na 'yun.

Napalingon ako sa likuran ko, tumama ang tingin ko sa may likuran ng gym. Nadoon nanggagaling ang boses ng lalaki..o multo. Because of curiosity ay dahan dahan akong lumapit doon. Hindi naman ako matatakutin, favorite ko pa nga ang horror movies, pero for safety purposes ay pinulot ko ang isang pipe na nakita ko sa gilid ng gym.

You never know dear..

How much I love you..

Dahan dahan akong sumilip kung sino ang estrangherong nagmamay-ari ng boses na 'yun.

And there, I saw him..Beasty...

Hindi ko alam kung madi-disappoint ako sa nakita ko o ano.

One, I'm glad na hindi multo ang madadatnan kong kumakanta. Two, I'm disappointed na si Beasty ang makikita ko dito ngayon. Ugh! Of all people..

Please don't take my sunshine away...

Kumakanta pa rin siya at mukhang hindi naramdaman ang presensya ko dahil mukhang tutok siya sa paghu-umm at pagkanta.

Naka-upo siya ngayon sa ilalim ng chico tree kung saan may kawayan na ginawang parang malaking bench, sa laki 'nun ay pwede kang humiga doon.

Nakasandal ang kanyang likuran sa chico tree habang ang dalawang kamay niya naman ay nasa likuran ng kanyang ulo at parang ginawang unan. Nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi na niya suot ang blaiser ng kanyang uniporme at nakalapag lang ito sa kanyang kandungan.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon