Chapter 6

104 76 1
                                    

Lucy Fern's POV

Sumabay sa amin mag-lunch sina Kai at Bruce. Pansin kong pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Well, isa sila Bruce at Kai sa pinakahinahangaan na lalaki dito sa University.

Ako din naman ay isa din sa hinahangaang babae. Kahit hindi ko sabihin ay alam naman natin na maganda ako kaya ako hinahangaan ng mga lalaki, sina Kai at Bruce naman ay maraming nabaliw na babae dahil sa angking kagwapuhan nila.

Kilala kaming tao hindi lang dahil sa itsura namin. Isa rin kami sa mga mayayamang estudyante dito at ang parents din namin ay isa sa mga stockholders dito sa University.

Si Meldy naman..well, bukod sa pagiging mayaman niya ay hinahangaan din siya sa pagiging matalino niya. Maganda naman si Meldy, siguro kailangan lang niya ng konteng push at ayos.

Nagkukwento si Bruce tungkol sa mga babae niya, sumasabay naman ako sa kanya. Si Meldy naman ay tumatawa rin at paminsan minsan ay nagtatanong kung bakit paiba-iba ang babae ni Bruce. Si Kai naman ay tahimik lang at ngumingiti naman pag may nag-bibiro.

"Sino nga pala yung transferee?" Maya maya ay tanong ko. Nagkatinginan si Bruce at Kai at napansin kong napatingin sila kay Meldy.

"Isa sa matalik naming kaibigan." Tanging sagot ni Kai. Pagkatapos 'nun ay tumayo na kami para bumalik sa classroom. Napansin kong tahimik si Meldy kaya tinapik ko siya sa balikat.

"Okay ka lang? Tahimik ka ata?"

"Ha? Ano..hindi naman talaga ako maingay.." sabagay, hindi naman talaga siya maingay pero may iba sa pananahimik niya ngayon eh.

Napagdesisyonan ni Bruce na lumipat ng upuan, sumunod naman si Kai sa kanya at lumipat na rin.

Nakaupo na sila ngayon sa likuran ng upuan ko. Sa katabi ni Kai ay walang nakaupo. Ang sabi nila ay reserba daw dahil 'dun daw uupo yung sinasabi nila na transferee.

Di ko alam kung bakit eh marami pa namang bakante sa may likuran.

Mga ilang minuto pa ay pumasok na yung Prof namin kaya natahimik na 'yung mga kaklase ko. Pansin kong wala namang nakasunod sa kanya na bagong estudyante kaya napatingin ako kina Kai at Bruce.

Mahina silang nag-uusap at palihim na nagtetext. Ano naman kayang problema nitong dalawang 'to?

10 minutes na ang nakalipas pero wala pa ring dumadating na transferee kuno. Pero 'yun ang akala ko dahil mga ilang sandali pa ay may kumatok na sa pintuan.

"Excuse me.." paalam ng prof at lumapit 'dun sa may pintuan at binuksan. Mukhang nag-uusap sila 'nung kumatok.

Ilang sandali pa ay pumasok na silang dalawa. Oh? Ito na ba ang transferee na sinasabi nila?

"Please introduce yourself, miss.." tango 'nung prof sa bagong dating.

"Hi. I'm Yasha Suzie Martinez.." malamig na pakilala niya. 'Yun na 'yon?

" Yasha Suzie Martinez and??" Tanong ng Prof. Walang emosyon siyang tumingin sa Prof. That look.. palihim akong tumingin kay Kai na nilalaro lang ang ballpen niya. Lihim akong napangisi. Pareho silang walang emosyon sa mata.

"And?" Inosenteng tanong nung Yasha.

" Wala ka na bang gustong idagdag sa pagpapakilala mo? " Medyo nakakunot ang noo 'nung prof namin. Sandaling nag-isip 'yung Yasha pero nagkibit-balikat lang siya.

"Wala na.."

So she's also a silent type? Parehong pareho sila ni Kai.

"Pwede ka nang maupo." Sabi nung prof. Sinuyod naman nung babae ng tingin ang paligid, naghahanap ata ng pwedeng maupuan so I raised my hand.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon