Chapter 4

11.7K 452 118
                                    

"Adjusting entries consists of five types; deferrals, accruals, depreciation, uncollectible accounts or can also called doubtful or bad debt and lastly, merchandise unsold at year or on hand. . ."

I yawned as our Professor continued to explain the lesson in front of us.

"Nahahati sa dalawa ang Deferrals. Ang una nito ay Deferred Expense, nilalaman nito ang office supplies, prepaid rent, prepaid income and any prepaid expense. For example, the amount of office supplies in the trial balance was 20,000 and in the adjusting entries, unused supplies amounted to 5,000. The entry will be Office Supplies Expense, 15,000, debited. Office Supplies, 15,000, credited. . ."

"Huh?" naguguluhang saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa whiteboard.

Langyang 'yan! Nawaglit lamang nang saglit ang atensyon ko tapos hindi ko na ma-gets iyong tinuturo sa unahan!

"Pucha, paano naging 15,000? Eh 20,000 iyong nakalagay na amount sa trial balance, 'di ba?" I heard one of my classmates uttering.

"Baka corrupt iyong nagre-record pre?"

Umingay ang buong classroom dahil sa mga samu't-saring mga tanong. Our Professor laughed and clapped her hands to get our attention.

"Guys, use your common sense! Ang sabi sa transaction 20,000 ang amount noong Office Supplies, right? Then ang sabi naman sa problem, unused supplies amounted 5,000. Therefore, 20,000 minus 5,000 is 15,000. 15,000 was the used supplies kaya iyon ang ilalagay niyong amount. Did you get me?"

Tumango kaming lahat kahit malinaw naman sa iba na naguguluhan pa rin sila.

"Medyo naiintidihan ko na. Bakit mo nga naman ire-record kung hindi mo pa nagagamit, 'di ba?" ani Joana at napakamot naman ako sa ulo.

"Next is Deferred Income. Unearned Rental Income amounted 120,000 and the problem is December 31, unearned rental income is for a one-year rent and started on June 1. So, what will be the entry?" She roamed her eyes around the classroom.

Mas lalo kaming natahimik. Tanging panghinga lamang ng bawat isa ang maririnig sa palagid. Palihim kaming taimtim na nagdadasal na sana ay hindi kami matawag. Ang iba ay nagkunwari pang abala sa pagsusulat habang ang iba naman ay kani-kaniyang paraan ang ginagawa para lamang huwag magtama ang mga mata sa guro.

Nahigit ko ang aking hininga nang tumigil ang mga mata nito sa akin.

"Quejano, stand up!" she commanded and so I stood up with full confidence. Though to be honest, I was already muttering a different curse in my mind. "What do you think is the answer, hmm?"

She arched her brows. A small smile formed in my lips as it was followed by an awkward laugh. "Uhm. . ." Tangina, ano nga ba? Hindi ko naman kasi masyado pang naiintindihan. Naglo-loading pa rin sa utak ko iyong mga pinagsasabi niya.

Palihim kong sinipa ang paa ni Joana sa gilid ko ngunit umiwas siya ng tingin sa akin habang nagpipigil ng tawa. Mukha ring may lahing tarsier yata 'tong professor namin dahil nakita niya iyong ginawa ko.

She did even shake her, disappointed at me.

"Sit down!" She threw me a death glare and went back to her table. "Akala ko ba naiintidihan niyo ang mga pinapaliwanag ko rito sa unahan? Simpleng tanong lang at paggamit ng common sense hindi niyo pa nagagawa. Ang basic lang ng mga examples na binibigay ko."

Disappointed siyang umiling. Nanatili namang tahimik ang buong klase. Nang ma-realize niya na wala na talaga siyang mapipigang sgot sa amin ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga at kaulanan ay siya na rin mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon