"So anong balita? Nagustuhan ka naman ba no'ng Mommy ni Luke?" usisa ni Joana at tamad ko siyang nilingon.
"Sa tingin mo? At saka wala naman akong pake kung magustuhan ako o hindi," I frankly answered and rolled my eyes.
Isang linggo na ang nakakalipas mula noong mangyari iyong birthday party ng Mommy ni Luke. Wala namang espesyal na nangyari roon. Noong lingunin niya ako, binigyan niya lamang ako ng isang pekeng ngiti at muling itinuon ang atensyon sa mga amiga niya. Mabuti na lamang sa buong gabi na 'yon ay hindi ako iniwan ni Luke at mga kaibigan niya. Umaalis lamang siya sa tuwing tinatawag siya ng magulang niya para ipakilala sa mga kung sino-sinong taong naroon.
Ang mahalaga naman sa 'kin ay nabusog ako nang bongga dahil talagang pang-mayaman ang mga pagkaing nakahain, pero iyon na rin yata ang pinaka-boring na party na nadaluhan ko sa tanang buhay ko. Ang boring ng party ng mga mayayaman. Wala kang ibang maririnig sa kanila kundi pagyayabang at pagfle-flex ng mga ganito at ganiyan nila. Nakakasuka.
"Tss! Kami lang pala ni Joana ang walang alam about doon kay Luke? Nauna mo pang sabihin kina Dammy at Miguel. Kung hindi pa namin nakita sa facebook iyong mga pictures noong birthday party ni Mayora, hindi pa namin malalaman," mahabang litanya ni Thanika sa akin.
"Ah–"
"Ni hindi nga kami aware na close pala kayo no'ng anak noong gwapo niyang anak na si Luke!" Joana giggled.
"Eh–"
"Pakilala mo naman kami! Ang gwapo no'n tapos mukhang good boy pa! Anong cellphone number no'n? O kaya name sa fb? Twitter? Instagram?" Thanika giggled too.
"Ih–"
I was about to answer but I was cut off for the nth time when Joana spoke again. Ang with that, tuluyan na ngang naubos ang pasensyang kanina ko pa tinitimpi.
At saka ano sila? Sinu-swerte? Puwede ko silang ipakilala kay Luke but not over my sexy body, hinding hindi ko ibibigay sa kanila ang numero ng lalaki!
Walang kaibigan, kaibigan dito! Pumila sila roon sa likod!
My forehead knotted at them. "Tangina naman, hindi ba kayo tatahimik?!"
Nabitin sa ere ang sinusubo nilang banana cue habang ang mga mata ay nanlalaki sa gulat sa biglaang pagsigaw ko. Pati sina Damian na kasalukuyang nagluluto ng aming merienda ay natigilan din.
"Bakit g na g ka riyan, Mare?" Miguel innocently asked.
Pasimple pa itong dumadampot sa french fries na nasa bowl. Nakita iyon ni Damian kaya agad niyang hinampas ng shanse ang kamay ng lalaki at pinandilatan pa ng mata. Miguel frowned and shook his hand in pain.
Nang makita niyang hindi na nakatingin si Damian sa kaniya ay mabilis siyang dumakot ulit sa bowl ng french fries at sinubo iyon lahat.
Muling inamba ni Damian iyong shanse kay Miguel. "Siraulo ka ba San Miguel? Hindi pa nga naihahain sa lamesa, nangahalati na kaagad."
Umiwas naman si Miguel at bahagyang lumayo sa kaibigan. "Tangina mo, Damian. Hindi pinagpapala ang madamot. Tandaan mo 'yan!" Miguel mouthed with conviction and pointed his finger at Damian's face.
"Sige Damian, suntukin mo! Away lang kayo, dito lang ako," pangungunsinti pa ni Josh habang nakaupo sa isang gilid.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha mula sa bulsa ng aking gray slacks. Nang makita ang pangalan ni Mama na tumatawag sa messenger ay walang pagdadalawang isip na kinansela iyon. Nang akmang isisilid ko na iyon sa bulsa ay muli na naman itong tumunog. I stopped myself from rolling my eyes when her name flashed on the screen again, but now, it was a chat.
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomanceAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...