"Uwi na tayo guys. Bukas ulit!" sigaw ko sa mga ka-grupo ko sa P.E.
"Huh? Ayaw nyo na magpractice? Mamaya na tayo umuwi," tugon naman ng isa kong kagrupo.
"Uuwi na kami. Kung gusto mo pang magpractice, ikaw na lang mag-isa. Maiwan ka rito." I flipped my hair and immediately gathered all my things.
Umirap siya at sinadya pa niyang banggain ang balikat ko nang lampasan niya ako. I just smirked and shrugged my shoulders. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Balewala na sa akin ang ganoong klaseng pagtrato. As I've said, people love and hate me at the same time. Palagi nilang sinasabi na prangka raw akong magsalita at wala akong pakialam kung anuman ang nararamdaman ng ibang tao sa sasabihin ko.
Well, I think that's true? I will not coat my words into something flowery. I'll let the people know the truth, so they can be aware. Even if it pains you. . . but then, I still know my limits.
Mangilan-ngilan na lamang ang natitirang estudyante sa loob ng campus. Anong oras na rin kasi, eh. Mukha ngang wala pang balak umuwi itong mga ka-grupo ko ngunit bakas na talaga ang pagod sa kanilang mga mukha. Buong maghapon ang klase namin kanina, tinadtad pa kami ng activities at quizzes lalo na sa accounting. Pagkatapos noon ay dumiretso na kaagad kami sa ibang bakanteng room para roon mag-practice ng yoga na ipe-perform namin bukas. We need to do our best dahil iyong performance namin ang magsisilbing midterm exam sa P.E.
Nang makarating sa main gate ay agad na rin kaming nagpaalam sa isa't isa. Lumakad ako patungong pedestrian lane. Mahigpit akong humawak sa strap ng aking bag habang lumilingon sa kaliwa't kanan, hinihintay na humupa sa kalsada ang mga rumaragasang sasakyan.
Kagaya ng mga nakikita sa araw-araw, abala ang buong paligid. Unti-unti ng natatabunan ng dilim ang kaninang maliwanag na ulap. Sunud-sunod ang businga ng mga rumaragasang sasakyan na sa tuwing humihinto ay siya namang nagkakagulo ang mga estudyanteng nag-uunahan sa pagsakay.
Napalingon akong muli sa gate dahil sa maiingay na pamilyar na boses na lumalabas doon.
It didn't shock me when I saw Luke with his friends.
Abot langit ang kaniyang ngiti ngunit agad din iyong napawi nang magtama ang paningin naming dalawa.
"Oh hi, Ate Rose!" Aivee greeted me with a wide smile on her face.
Binati rin ako ni Mella at Jovani while Luke focused himself on his phone. Binalik ko ang tingin sa tatlo at binigyan sila ng matamis na ngiti.
"Hi, uwi na kayo?" I asked them.
"Ay hindi ate, papasok pa lang," pamimilosopo ni Jovani at tumawa pa nang malakas.
I almost rolled my eyes at him, but I just gave him an unreal smile. "Sige, Jovani. Ingat ka pagpasok."
Umiling si Mella at pasimpleng sinamaan ng tingin iyong kaibigan niyang lalaki. Nang may tumigil na jeep na patungong Pila ay mabilis silang nagpaalam sa akin at kay Luke.
Pinanood ko muna silang sumakay sa jeep at nang makaalis na iyon ay saka ko binalingan ang tahimik na lalaking nasa likuran ko. I glanced at my wristwatch and roamed around my eyes in the surroundings. Madilim na ang paligid at wala nang masyadong estudyante.
"Hi! Hindi ka pa uuwi?" I asked, breaking the deafening silence between us.
His lips were formed into a grim line as he shook his head.
"Bakit?" tanong ko ulit.
"Hinihintay ko pa ang sundo ko," he uttered in a cold tone.
My lips parted a bit. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Seryoso ba? At the age of seventeen or eighteen, sinusundo pa rin siya? Hindi ba't parang nakakahiya naman na iyon?
I sighed and nodded my head slowly. "Oh sige, sasamahan na kitang maghintay."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko dahil bigla kong naalala na kailangan ko pa nga palang labhan ang uniform ko ngunit hindi ko na ginawa pa. His safety was more important than that. Sa lamya niyang iyan, imposibleng makalaban siya sa mga loko-loko riyan sa gilid.
"Hindi na. Ahm, may pupuntahan pa rin kasi ako!" Ikinumpas niya ang kaniyang isang kamay.
I arched my brows and crossed my arms, not leaving his gaze at him. "Saan? Sasamahan na kita kung gano'n."
"No need! Magje-jeep pala ako!"
I scoffed and pushed my tongue against my cheeks.
Nang-uuyam akong ngumisi. "I bet you can't ride a jeep alone?"
Muling napaawang ang labi niya kasabay ng pag-iwas ng tingin at kahit madilim ay hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.
"Saan ka nga pupunta?" pangungulit ko.
"Mall,"
My forehead knotted again at his answer. "Sa mall ka pala pupunta, bakit hindi ka pa sumabay kina Aivee?"
Ilang saglit muna siyang tumitig sa akin bago iniwas ang tingin. He then cleared his throat. "Well, I-I just want to check if you went home safe." His voice wasn't that loud but enough for me to hear clearly.
Napatunganga ako sa kaniyang turan. Sinubukan kong ibuka ang mga labi ko ngunit wala namang lumalabas na kahit isang salita man lang. My heart was pounding swiftly and there were some sensations tickling my stomach that I couldn't name. And this feeling was weird and quite unfamiliar to me.
Masiyado akong nabigla sa kaniyang sagot. Hindi ko iyon inaasahan, ngunit sa kabila ng hindi pamilyar na nararamdaman ay ipinagkibit-balikat ko na lang ang lahat ng iyon.
Tumikhim ako at pilit na ikinalma ang sarili. "T-Tara na. Samahan na kita tutal wala rin naman akong ginagawa," ani ko at agad nang tumungo sa nakaparadang jeep.
Bumuntonghininga siya hudyat ng pagsuko. "Alright, I'll just text my driver."
Ngunit sa kasamaang palad ay siksikan pala ang jeep na nasakyan namin. Nasa pinakadulong bahagi kami at magkaharap na dalawa kaya malaya kong natititigan ang maamo niyang mukha. Pansin ko ang pagiging hindi niya komportable, panay rin ang pagpunas niya ng pawis sa kaniyang noo. Sa tuwing dumidikit ang hita niya sa katabi niya ay palahim siyang napapangiwi.
Hindi ko napigilan ang sariling matawa. Ang arte naman pala ng kumag na ito. Binuksan ko ang aking wallet at kumuha ng eksaktong barya. Akmang iaabot ko na iyon nang pigilan ako ni Luke.
"I'll pay for us," he told me. "Are they accepting cards here?" dagdag pa niya sa inosenteng tinig.
Umarko ang kilay ko bago bumunghalit ng napakalakas na tawa. "Cards? Ano bang klaseng cards ba? Card sa school? Advantage card–"
"No! What I mean is, are they accepting credit cards or even cheques?"
Hinilot ko ang aking sentido. Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang batok ko dahil sa lalaking nasa harapan ko. Mariin kong pinikit ang aking mata at pinalobo ko pisngi, pinipigilan ang sariling tumawa nang malakas.
Nangunot ang kaniyang noo, bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Why are you laughing?"
Kinalma ko ang aking sarili nang mapagtantong pinagtitinginan na kaming dalawa Natutop ko ang aking bibig at sunud-sunod na umiling. "Ako na ang magbabayad para sa ating dalawa, Luke." I winked at him. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at inabot na ang barya sa pasaherong katabi ko. "Makikiabot po. Dalawang Sunstar Mall po, estudyante."
Manghang pinapanood ni Luke kung paano pagpasa-pasahan ng ibang pasahero ang bayad namin hanggang makaabot iyon sa driver.
And from my peripheral vision, I saw Luke hold his nape and whispered. "Yeah right. So they are not accepting cards."
I shook my head. Tumingin na lang ako sa bintana habang pilit pa ring pinipigilan ang pagngiti.
How could he be innocent yet so adorable at the same time? Langya, binabaliw ako ng lalaking ito!
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomanceAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...