Dalawang taon pa ang nakalipas, we didn't expect na magbo-boom ng bongga ang Café na ipinatayo naming magkaibigan. Iyong inutang naming pera sa bangko upang pandagdag sa capital ay agad ding nabayaran ng wala pang dalawang taon. Idagdag pa iyong mga dati naming kaibigan at kakilala ay nag-invest din sa amin.
Halos lahat ng mga taong nakapalibot sa amin ay sinusuportahan kami. Nakakataba ng puso.
Pinipilit kong ngumiti. Pinili kong maging matatag at bumangon sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko masasabi na okay na 'ko but I must say that I am getting better. Kapag nakaipon na talaga ako ng sapat na pera ay wala akong aaksayahing panahon. Agad kong pupuntahan at hahanapin ang anak ko.
Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang may sumulpot na lalaki sa aking harapan. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Isang cappuccino, Ms. Beautiful," sabi nito sa cashier na nasa tabi ko at kumindat pa. Ang empleyado ko naman na si Rumelyn ay agad pinamulahan ng mukha at kinagat pa ang ibabang labi dahil sa labis na kilig.
"Okay po, Sir. . ." pabebe nitong tugon bago tumalikod para asikasuhin ang order nitong pangit na pulis na nasa harapan ko.
Nakanguso pa nitong sinundan ng tingin si Rumelyn bago ibinalik ang mga mata sa 'kin. "Labas tayo after work mo?" ani Damian na may malaking ngisi pa rin sa labi.
He was still wearing his police uniform, kalalabas lamang sa trabaho. Ang mga kababaihang customers ay napapatingin, tumitili at kulang na lamang ay mangisay sa kilig habang nakatingin sa gawi niya.
Napapaismid na lamang ako sa isipan ko.
Umiling ako sa kaniya bilang pagtanggi. "Pass. Alam mo namang may pinag-iipunan ako tapos kung saan-saan mo na naman ako yayayaing kumain. Tingnan mo nga, oh! Tumataba na 'ko!"
Tinaasan niya 'ko ng kilay at malagkit ang mga titig na pinasadahan ng tingin ang katawan ko kaya agad ko siyang sinapak sa mukha.
"Aray ko!" daing niya habang hawak ang pisngi.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa tinging na iginawad niya sa 'kin. "Ikaw! Umayos ka nga! Sasapakin na kita! Umalis ka na nga!" singhal ko at pinandilatan siya ng mga mata.
He roared a laughter then licked his lips. Namumungay ang mga mata niyang tumitig sa akin. "Susunduin kita mamaya, ha? Kakain tayo sa labas. Magbibihis lang ako." Kinuha niya ang kapeng in-order niya na nakapatong sa countertop bago kumindat sa akin.
"Wala nga akong pera!"
"Huwag kang mag-alala, sagot kita! Ako na lang naman ang hindi mo pa sinasagot—a-aray! Ito na nga aalis na! Ang brutal mo talaga!" Nakasimangot na maktol niya habang hinihimas ang kaniyang tainga na piningot ko.
"Oh siya, layas na!" Pabiro kong pagtataboy sa hunghang.
Nakanguso siyang tumalikod at nagdadabog na lumabas sa Café. Natatawa na lamang ako na may kasama pang bahagyang pag-iling.
Damian was there in my darkest times and in my vulnerable years. He witnessed my agony, struggles and everything. Siya ang isa sa mga naging saklay ko noong mga panahong hindi ko makayang tumayo. Nariyan siya palagi para punasan ang aking mga luha. Kahit sa kalagitnaan ng malamig na gabi, isang tawag ko lang, hindi siya magdadalawang isip na puntahan ako.
He was one of the people who gave me hope. He did not just light up my world but also, he sat with me in the dark. Hindi niya ipinaramdam sa akin na mag-isa ako sa laban kong ito.
One time, he confessed his feeling for me. Nasa hospital siya noon dahil nadaplisan siya ng bala ng baril sa balikat noong nagkaroon ng drug raid sa isang squatters area at nagkaroon ng engkwentro. Aniya'y gusto na daw niyang maamin sa akin ang feelings niya bago pa siya mamatay. Ganoon siya ka-OA but I didn't know how to react at that time. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang kakaiba niyang trato sa akin pero sadyang nakakagulat lang talaga. Binibiro pa niya ako noon kung puwede niya 'kong ligawan but I said no.
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomanceAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...