Chapter 7

10.1K 415 44
                                    

"Mama's boy ka?"

Nabitin sa ere ang sinusubo niyang french fries at naiwang nakanganga ang bibig dahil sa tanong ko. He looked stunned by my sudden question.

"H-Hindi naman." Umiling siya.

Naniningkit ang mga mata kong tumango ako kahit hindi masiyadong kumbinsido. Isinawsaw ko sa ice cream ang french fries na kinakain ko. Nang maisubo iyon ay pumalumbaba ako at lantaran siyang tinitigan. "Ngayon lang kasi ako nakarinig na grade twelve student na pero sinusundo pa rin ng driver." I chuckled and shook my head lightly. "Actually, kung walang Kto12 dapat college ka na rin, eh."

Humalumbaba rin siya sa lamesa at nagpakawala ng bumuntonghininga. Kasakuluyan kaming kumakain ng dinner sa isang fast-food chain dito sa loob ng mall. Mayroon siyang biniling regalo sa isang clothing boutique na aniya'y ireregalo raw niya sa Mommy niya next week.

"My mom is kinda strict and she always rules over me." He sighed and stared at his food. "Maybe that's the way of showing her love for me I guess," malungkot niyang isinatinig.

"Hindi ka naman ba nasasakal sa ginagawa ng Mommy mo? I mean, nage-gets ko na strict siya kasi natural lang naman 'yon sa isang ina but don't you think that it's too much?" buong ingat kong tugon.

May rumehistrong pait sa kaniyang mga ngiti ngunit agad din naman iyong nawala nang magsalita. "Wala akong magagawa 'ron, Rose. To be honest, ang dami kong gustong gawin sa buhay pero hindi puwede kasi b-baka magalit si Mommy. Siya lang ang puwedeng magdecide para sa akin."

Gusto ko mang tutulan ang sinabi niya ay hindi ko na ginawa. We all have different perspectives in life. Magkaiba kami ng mga bagay at pamilyang kinagisnan. Hindi ko puwedeng husgahan ang pagpapalaki ng magulang niya dahil hindi ko naman sila lubusang kilala pa.

Kaya naman imbis na kwestyunin pa siya sa bagay na iyon ay iniba ko na lang ang usapan. "Ano bang mga bagay na hindi mo pa nagagawa pero gusto mong gawin?"

Sandali siyang natahimik bago muling ngumiti nang matamis sa kawalan. "Pangarap kong maka-experience kumain ng street foods, tumambay sa park, mag-cut ng klase kahit isang beses lang, manood ng sine, maglaro ng arcade, sumabit sa jeep at kung anu-ano pa. Iyong karaniwang ginagawa ng mga simpleng kabataan."

I nodded my head in response and gave him a warm smile. As I stared at Luke, I couldn't help to show pitiness over him. He should be enjoying his life and learning how to be independent on his own ngunit hanggang ngayon ay masyado pa rin siyang nakadepende sa desisyon ng kaniyang mga magulang.

Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang muli siyang magsalita. "Ikaw, anong klase ng parents ang mayroon ka?" he asked.

Napatunganga ako at dahan-dahang kumurap. Isang tanong. Isang tanong ngunit nahihirapan akong sagutin. At sa hindi inaasahan, ang aking isipan ay napuno ng napakaraming tanong.

Oo nga, anong klaseng magulang nga ba ang mayroon ako? May magulang pa ba ako? Parang wala na nga yata, eh. Hindi ko sila maramdaman. Simula noong pinalayas ako ay hindi ko na muli pang nakausap ang ama ko. Iyong ina ko naman, madalang pa sa patak ng ulan kung tumawag.

I smiled weakly and shrugged my shoulders – as a sign that I'm refusing to answer his question.

Isn't it funny? Kung gaano ka-strict ang mga magulang niya. Ganoon naman ka-luwag ang mga magulang ko sa akin.

Matapos kumain ay sakto rin ang pagtawag sa kaniya ng Mommy niya. Natataranta siyang lumabas ng fast-food chain habang nakasunod lamang ako sa kaniyang likuran at pinapanood ang bawat galaw niya.

"Yes, Mommy," he nervously answered the other line and bit his finger.

Hanggang sa makalabas kami ng mall ay hindi pa rin natatapos ang tawag. Sumulyap siya sa akin at matipid na ngumiti. Tumango naman ako at kinagat ang aking labi, medyo dumistansya ako ng kaunti ngunit hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kaniya.

"Sorry ha? Kanina pa pala ako hinahanap ni Mommy. K-Kailangan ko nang umuwi,"

"Walang problema," tugon ko. "Paano ka nga pala uuwi? May susundo ba sa 'yo?"

He nodded. "Mayroon, iyong pinsan ko po. Si Markcus. Ihahatid ka na namin–"

I cut him off. "Ay hindi na! Kaya ko naman na ang sarili ko. Samahan na lang kitang hintayin iyong sundo mo."

"Pero–"

"Okay lang ako, Luke. Huwag mo 'kong intindihin," Paninigurado ko kaya wala na siyang nagawa kundi ang muling magpakawala ng malalim na buntonghininga bilang pagsuko.

Hindi rin naman nagtagal ay may tumigil na isang itim na motor sa harapan namin na sigurado akong iyon na nga ang sundo niya. Nagpaalam na kami sa isa't isa ngunit bago siya tuluyang makasakay ay tinawag ko siyang muli.

"Luke, if you want to chase your dreams, sometimes you need to break the rules," I uttered.

His forehead knotted.

"W-What do you mean?"

Imbis na sagutin ay humakbang ako papalapit at ginulo ang kaniyang buhok. Walang pasabi akong tumalikod at tumawid patungo sa kabilang kalsada.

Hindi na bago sa akin ang mga sumunod na araw na na-late na naman ako sa klase. At dahil doon, hindi ko palaging naaabutan ang discussion sa accounting. Ang ending? Bagsak sa unang quiz. Sa pangalawang quiz naman, naka-balance ako sa trial balance. Proud na proud pa ako, kinginang 'yan! Mali naman pala!

Nang matapos ang pang-umagang subject ay napagdesisyunan kong idaan na lang sa kain ang lahat pero bukod doon ay mayroon pa akong ibang plano.

"Joana, hindi ako sasabay kumain sa'yo ngayon," I said while putting all my things inside my bag.

"Huh? Bakit?"

"May pupuntahan ako." sagot ko.

Mabilis akong tumayo at tinapik siya sa balikat bago ako lumabas ng classroom. Mayroon pa siyang sinasabi na hindi ko naman maintindihan dahil tuloy-tuloy na ang lakad ko palabas. Malalaki ang hakbang na tinahak ko patungong SHS Building. At napangiti ako nang malawak nang makita ko si Luke sa labas ng classroom nila kasama sina Aivee.

"Hi!" I greeted and his lips parted in shock.

Binati rin ako ng mga kaibigan niya at sinuklian ko naman iyon ng matamis na ngiti bago harapin ang tulala pa ring si Luke.

"Tara, sumama ka sa akin." I held his pulse.

"Huh? Saan tayo pupunta?" naguguluhang aniya habang hinahatak ko siya palayo sa mga kaibigan niya.

A devilish smirk plastered on my lips as I took a quick glance on him "Gagawin natin iyong ilan sa mga bagay na gusto mong gawin."

Sandali siyang natulala na tila pino-proseso ang aking sinabi pero kalauna'y tumawa at sumang-ayon siya sa akin. Nang makalabas kami ng campus ay para siyang isang ibon na nakawala sa hawla.

Nauna pa siyang tumakbo patungo roon sa stall ng street foods na siyang ikinatawa ko.

"They are not accepting cards ha?" I joked.

Muntik na siyang mabulunan sa sinabi ko kaya agad kong inabot sa kaniya ang lemonade juice na hawak ko. Walang pagdadalawang isip niya iyong kinuha sa akin at ininom.

I roared with laughter when he gave me a death glare.

"Huwag mo na ngang ipaalala sa akin 'yon, please. First time kong sumakay ng jeep kahapon kaya ganoon and that was freaking embarrassing!" he hissed.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa mall para maglaro ng arcade at manood ng sine. Oo, hindi kami pumasok noong hapon na iyon. Halos lahat yata ng mga gusto niyang gawin ay nagawa namin noong araw na iyon. Kulang na lamang ay kapusin kami ng hininga kakatawa.

I felt so lucky that God has let me see the hidden side of Luke. Malayong malayo sa Luke na mailap at mahiyain. The way he burst out into laughter. . . it was just satisfying.

And whenever I looked at him, my heart was beating so fast that I couldn't even tame it. In his smile, I saw something more beautiful than the stars. 

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon