Chapter 26

10.9K 368 89
                                    

Nakatiim ang kaniyang bagang at nag-aalab ang mga mata sa galit. Tila isa akong malamig na hangin na dinaanan lamang niya at dire-diretso itong tumungo sa aming kwarto.

I thought he'd welcome me with his hug and kisses, like how he usually does everyday he was coming home to me. But tonight was different. He acted like he didn't see me–like I wasn't existing.

Mula sa matinding pagkabigla ay mabilis din naman akong nakabawi. Agad ko siyang sinundan sa silid. Nanginig ang aking tuhod at abot langit ang tahip ng dibdib ko nang makita siyang isa-isang kinukuha ang mga damit niya sa cabinet at isinisilid iyon sa kaniyang malaking bag.

Pinagsalikop ko ang aking palad at kinagat ang aking labi dahil sa sobrang kaba.

"Luke, anong problema? Saan ka pupunta?" Nilapitan ko siya at sinubukang hawakan ang kaniyang kamay ngunit agad siyang umiwas sa akin na para bang mayroon akong nakakahawang sakit.

"Luke, ano ba? Anong problema? Bakit nagkaka-ganiyan ka?" gulong-gulo kong tanong, hindi lamang sa kaniya kundi pati na rin sa aking sarili.

Pilit kong binabalikan sa aking isipan kung mayroon ba akong nagawang mali na naging dahilan kung bakit siya nagkaganito. Because the last time I checked, maayos na maayos naman kaming dalawa.

He then glanced at me then looked away again. Hindi nakaligtaas sa mata ko ang pagkuyom ng mga kamao niya bago nagpakawala ng isang marahas na buntonghininga.

"I won't stay here for a while. Inatake sa puso kagabi si Mommy and she's on critical state. Walang ibang magbabantay sa kaniya kundi ako lang. At hindi ko rin siya puwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. . ." paliwanag niya gamit ang malamig at kontroladong na tinig. Hindi pa rin niya magawang tumingin sa akin.

Matapos kunin ang mahahalagang gamit, isinukbit niya ang bag sa isang balikat at nilapitan ang anak naming mahimbing na natutulog sa kama. Ang kaniyang matigas na ekspresyon ay biglang lumambot nang pakatitigan niya si Lucas. He then kissed our child's forehead as he bid his sweet goodbyes. Samantalang ako'y naroon lamang ako sa isang gilid na parang tangang pinapanood ang bawat galaw niya at nangangapa kung paano siya pakikisamahan.

Nang lumabas ito sa aming silid ay sinundan ko pa rin siya.

"We'll talk something important tomorrow. . ." saad niya na hindi pa rin ako binabalingan ng tingin. "Ite-text na lang kita kung anong oras."

"Luke, may problema ba tayo?" Humakbang ako papalapit sa kaniya ngunit kagaya kanina ay mabilis siyang umiwas sa 'kin.

"Aalis na 'ko. Ingat kayo rito," walang ganang paalam niya bago sumakay sa sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin.

Naging malaking palaisipan sa akin ang aksyong iyon ni Luke hanggang kinabukasan. Hindi ako pinatulog ng kaniyang malamig na pakikitungo. Okay naman kami bago siya umalis, 'di ba? Pero bakit pagbalik niya ay mas malamig pa siya sa yelong nasa ref namin. Pansin ko rin na hindi niya ako matitigan sa mata at umiiwas siya sa akin sa tuwing sinusubukan ko siyang hawakan o lapitan.

"Baka naman stress lang iyong tao?" Bluie asked me, kanina pa niya sinusubukang pagaanin ang aking loob ngunit walang epekto.

Napalingon ako sa kaniya. Halos mabaliw na kasi ako kakaisip kanina kaya tinawagan ko siya para maglabas ng hinaing, hindi ko na rin napigilang umiyak sa sobrang frustration. Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali o bagay na hindi niya nagustuhan para umakto siya sa akin nang ganoon pero kahit anong pilit kong alalahanin ay wala talaga akong maalala at mahinuhang sagot.

Mas lalo pa akong naiyak nang patayan ako ni Bluie ng tawag ngunit laking gulat ko nang bago magtanghalian ay may kumakatok na sa pinto ng apartment at nang buksan ko ay bumungad sa akin ang pangit niyang pagmumukha Nagbiyahe pa talaga siya ng mahigit dalawang oras para lamang madamayan ako nang personal.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon