Chapter 25

11.7K 361 77
                                    

"Why didn't you choose her?" I asked Luke.

Natigilan siya sa pag-aayos ng mga gamit at nilingon ako. "My mom?"

I bit my lower lip and nodded my head. Namumugto pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa matinding pag-iyak kahapon. Kahit anong gawin kong pagpapatahan sa kaniya ay hindi pa rin siya tumitigil hanggang sa makatulugan na lamang niya.

Tamad siyang bumuntonghininga bago humiga sa dulong bahagi ng kama. Kumurap-kurap pa siya bago tumulala sa kawalan. "Why would I choose her? Sa kaniya na rin mismo nanggaling na hindi niya 'ko anak at saka napapagod na ako."

"All my life wala akong ginawa kundi ang magsunud-sunuran sa kaniya at gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay magpapasaya sa kaniya." Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin kasabay ng pagsilay ng maliit na ngisi sa labi. "Siguro naman hindi ako masamang anak kung pipiliin ko naman iyong sarili ko, right? Hindi naman masama kung pipiliin ko iyong talagang nagpapasaya sa 'kin."

Natikom ko na lamang ang aking bibig at hindi na kumibo pa.

Nangupahan kami ni Luke sa isang maliit na apartment na malapit lang din sa campus. Habang bakasyon pa ay naghanap muna si Luke ng trabahong maaari niyang pasukan ngunit dahil rich kid siya ay walang nagtatagal sa kaniya at madalas siyang masisante sa trabaho.

His Dad tried to offer him some help but he always declined it. Mabait ang Daddy ni Luke, madalas niya kaming dalawin sa bahay at madalas din siyang magdala ng kung ano-ano para kay Lucas. Minsan ay bigla na lamang siyang sumusulpot nang napakaraming dalang grocery, gatas at diaper para sa apo niya.

Siyempre, araw-araw din bumibisita rito sa Bluie. May isang beses na umuwi siya sa Quezon at noong bumalik siya rito sa Laguna ay kasama na niya ang magulang niya para dalawin at masilayan din si Lucas.

Masasabi kong hindi madali ang buhay namin sa ngayon. Bago pa lamang kami nag-a-adjust ni Luke sa isa't isa. Nangangapa pa rin kami sa mga gawain bilang magulang. Puyat, gutom at pagod ang kalaban naminG dalawa. At may mga gabi na sa kalagitnaan ng mahimbing namin na tuloy ay biglang iiyak nang napakalakas ni Lucas.

"Ako na," Luke muttered.

Pupungas-pungas ang mga mata nito nang bumangon. Akmang susunod din ako sa kaniya ngunit pinigilan niya 'ko. "Ako na ang bahala kay Lucas, okay? Magpahinga ka na." He kissed my forehead before going off to the bed.

Isa iyon sa mga katangian ni Luke na sobra kong hinangaan at iyon din ang dahilan kung bakit ko siya mas lalo pang minahal. Noong sinabi niya sa akin sa hospital na babawi siya sa amin ay ginawa niya talaga. Kitang-kita ko kung gaano siya kapursigadong magbanat ng buto para lamang may makain kami sa araw-araw. Pati na rin iyong willingness niyang alagaan kami kahit gaano pa siya kapagod sa buong maghapon.

Maaga akong gumising ngayong araw kahit na iilang oras pa lamang ang tulog ko. Mayroon kaming usapan ni Papa na magkikita kami ngayon pero hindi ko na ipinaalam pa kay Luke. Malaki talaga ang galit ng aking ama sa pamilya ng boyfriend ko.

Mayroong kumawalang mahinang tawa sa labi ko nang paglabas ko sa kwarto ay naabutan ko si Luke na nagluluto ng almusal namin at ginagamit niyang shield ang takip ng kaldero para hindi siya matilamsikan ng mantika. Seryosong-seryoso pa ang mukha niya na animo'y kasali siya sa isang cooking show.

Marahan akong lumapit patungo sa kaniyang direksyon at sinilip ang niluluto niya. Ang malawak na ngiti sa labi ay unti-unting naglaho nang makita ang almusal namin.

Hotdog na naman?!

"Hindi ka ba nauumay? Halos araw-araw na hotdog na lang ang ulam natin ah? Hindi kaya magmukha na tayong hotdog niyan?" nakasimangot kong reklamo sa kaniya.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon