"Bakit late ka?" Joana asked when I entered the classroom.
Good thing, wala pa ang professor namin para sa first subject kaya naman labis akong nakahinga nang maluwag.
I sat beside her. "Eh ikaw, bakit hindi ka late?"
"Bobo mo kausap!"
I laughed while shaking my head a bit. Hindi ko alam kung bakit niya pa 'yon tinatanong. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, araw-araw din naman akong late. Wala nang bago roon.
Hindi naman kasi ako iyong tipo ng estudyante na nagpapaka-pressure sa pag aaral. Wala akong pakialam sa kung mababa o mataas ang grades ko kasi para sa 'kin, grades is just a fucking number.
Grades won't define my future. Grades won't define my success.
No offensement pero ang dami kong kakilalang naka-graduate na may flying colors noong kolehiyo pero hindi rin naman nagtagumpay sa buhay. Marami rin akong nakilala na hindi nakapagtapos ng pag aaral, bulakbol noon at hindi matataas ang grado pero asensado sa buhay ngayon. Naniniwala akong hindi lamang sa edukasyon nakabase ang pag-unlad ng isang tao, bagkus ay bahagi lamang ito upang umasenso.
But not everyone has the same opinion as mine. And I respect it.
"Grades are just a number?" Ria laughed like it was the most ridiculous joke she had heard. "Kasabihan lamang 'yon ng mga bobo, eh!"
I groaned in disbelief and just drank on the can-beer that I'm holding. Ayaw kong magsalita dahil kagaya ng sinasabi ko ay hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng pananaw sa buhay. At kung ano man ang pananaw nila, hindi dapat iyon kinukutya, pinagtatawanan o kinu-kwestyon.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Thanika. Pagkatapos kasi ng klase ay dito na kami dumiretso sa kanila para tumambay at magmovie marathon pero wala pa sa kalahati ang palabas ay nag-aya na si Damian na mag inuman na lang.
"Harsh mo naman! Ang mga tao may iba't ibang paniniwala, kasabihan at opinyon sa lahat ng bagay, Ria." Joana tried to explain everything in a calm way while eating popcorn, but I know deep down inside her, she's annoyed.
Sadyang mahaba lamang talaga ang pasensiya nila, hindi kagaya ko.
"Nah." Ria shook her head. "Grades will define your future. That's the reality. Kapag mag a-apply ka sa isang kompanya, ang una nilang titingnan ay ang transcript of record mo. Entrep kayo, 'di ba? Kung kayo ang tatanungin ko, pipili ba kayo ng empleyado na pasang awa ang grades? Siyempre kung ako 'yon, ang iisipin ko, maybe there was something wrong about him. I will question and think that he's not capable of handling responsibilities."
Thanika scoffed and put down her beer. She clasped her hands and looked intently at Ria. While Joana nodded her head, as if she totally understood what Ria's trying to explain.
She then gave Ria a small smile. "I got your point, girl. But like what I've said, it is for your opinion. We respect it and you should respect ours."
Afterwards, a deafening silence filled between all of us. Mabuti na lamang ay dumating ang mga lalaki at hawak nila ang panibagong bucket ng beer at pulutan.
Kalaunan ay napuno na ng malalakas na tawanan ang buong bahay nina Thanika. Lahat ay mayroon kani-kaniyang pinagkakalibangan. Si Damian ay may hawak na gitara at kami naman ang kumakanta. Miguel was a little bit tipsy kaya mas lalo siyang kumulit at umingay.
I felt my phone vibrated inside my pocket. Mabilis ko iyong kinuha sa bulsa at nang makita ang pamilyar na pangalan ng tumatawag ay unti-unting nawala ang malawak na ngiti sa aking labi.
Nanatili lamang ang mga mata ko sa screen. Wala sana akong balak sagutin iyon kung hindi lamang muling tumunog ang aking cellphone.
I heaved a sigh as I stood up and slowly went to the balcony. Bago tuluyang sagutin ang tawag ay muli kong nilingon ang mga kaibigan kong nagkakasayahan pa rin. Bumuntonghininga akong muli bago sagutin ang tawag ng aking magaling na ina sa messenger.
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomantizmAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...