Chapter 21

10.2K 351 61
                                    

Nakaalis na ang Mommy ni Luke ngunit ako'y nanatiling nakaestatwa sa aking kinatatayuan. I tiredly bow my head as my tears started to fall. These past few days, I became more emotional. Madali akong mainis sa mga bagay at mabilis akong masaktan sa mga salitang ibinabato sa akin.

His mom's words made me feel so worthless. She made me feel the gap between me and his son.

I am just his liability. . .

Ano pa nga ba? Hindi ba't totoo naman 'yon? May punto naman ang Mommy niya. Wala kaming relasyon ni Luke. Walang namamagitan sa aming dalawa. Nabuntis lamang niya ako.

"Rose!"

Agad kong pinunasan ang mga luhang lumalandas sa mga mata ko nang makarinig ng mga mabibilis na yapak ng paa patungo sa 'kin na sinabayan pa ng pagtawag sa pangalan ko. Humugot ako ng malalim na hininga dahil pakiramdam ko ay naninikip ang aking dibdib.

I then lifted my head and forced a smile. Like nothing happened. Like I wasn't hurting.

Hindi ko inalis ang mga ngiti sa labi ko hanggang sa tuluyang makalapit sa akin ang tumatakbong si Luke. Kasama rin niya si Damian na medyo nahuhuli sa pagtakbo. Parehong mababakas ang pag-aalala sa kanilang mukha.

"R-Rose!" hinahapong usal ni Luke nang makalapit at niyakap ako nang mahigpit. "Mom went here, right? Okay ka lang po?"

Hinimas ko ang kaniyang likod at marahang tumango. "Okay lang ako." Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin. "Paano mo nalaman na pumunta siya rito?"

"Kuya Damian told me," he answered, then glanced at Damian.

"Dumaan kasi ako kanina rito kasama ang mga ka-blockmate ko tapos nakita ko 'yong kotse ng Mommy ni Luke riyan sa labas ng dorm mo kaya pinuntahan ko kaagad si Luke," mahinahong paliwanag ni Damian habang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa akin.

Muling pumulupot ang mga braso ni Luke sa aking baywang upang yakapin at hinalikan ang gilid ng aking ulo.

Damian looked away.

"Paano nalaman ng Mommy mo na buntis ako?"

He heaved a sigh and frustratedly ran his fingers through his hair. "Sinabi ni Ria."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko at bahagya ulit na lumayo sa kaniya.

Si Ria? Si Ria na naman?

"Anong kinalaman ng babaeng iyon sa usapan natin, Luke?" naiirita kong tanong dahil hindi ko maunawaan kung bakit siya nanghihimasok sa buhay namin.

Basta marinig ko lamang ang pangalan ng babaeng iyon ay awtomatiko ng kumukulo ang dugo ko. Mukha namang natakot si Luke sa reaksyong ipinakita ko dahil umisang hakbang ito paatras sa akin.

I saw how his Adam's apple moved as he swallowed hard.

"Inaanak kasi ni Mommy si Ria then nagkita sila sa Mall noong isang araw. Nagkumustahan. . . hanggang sa mabanggit din ni Ria na buntis ka rin daw pero hindi alam kung sino sa amin ni Damian ang. . ." he trailed off and looked away. "Ang tatay."

"Ano?!" hindi makapaniwalang sigaw ko kasabay ng pag-akyat ng dugo sa ulo ko.

Kanina lamang ay naiiyak ako ngunit ngayon naman ay labis na inis na ang nararamdaman ko. Walang hiyang Ria talaga 'yon! Wala nang ginawang matino sa buhay! Bukod sa malandi na, reyna rin pala ng fake news ang walang hiya! Kaya naman pala ganoon na lamang ang tindi ng galit sa akin ng Mommy ni Luke. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay malalaman ko na lamang na nasa bilangguan na siya dahil sa mga katarantaduhang ginagawa niya. Hindi lang sa akin kundi pati na rin sa kaibigan ko.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon