Chapter 24

10.7K 339 85
                                    

Matapos kong manganak ay nawalan na ako ng malay dahil sa matinding pagod. Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng mga taong nasa loob ng silid. Agad hinanap ng mga mata ko si Papa ngunit miski anino nito ay hindi ko na nakita.

June 21, the day when my life changed and the day that I met the angel of my life. Walang paglagyan ang saya sa dibdib ko. Noong nakita at nahawakan ko siya ay literal na tumigil ang mundo ko kasabay ng pagpatak ng aking mga maiinit at masagang luha.

Naroon si Luke na bakas na bakas ang matinding kasiyahan, kaba, excitement at iba pang hindi mapaliwanag na emosyon. Maging ang landlady namin, si Nez, nandito rin si Tita Mavs na ay halos panggigilan na ang anak ko ngunit pinipigilan lamang nila ang kanilang sarili.

"Umalis na rin ang Papa mo pagkahatid niya sa 'yo rito. . ." bulong ni Bluie sa akin habang nagbabalat ng orange. "Ayaw daw niyang makita 'yong pamilya ni Luke lalo na 'yong nanay pero huwag kang mag-alala, nagbigay siya sa akin ng pera para pambayad sa bills dito sa hospital pati pambili sa iba pang pangangailangan niyo ni Baby." She glanced at Luke then leaned closer at me. "Sinabi ng Papa mo na huwag kong sasabihin kay Luke na siya ang naghatid sa 'yo rito. Kaya no'ng tinanong ako ni Luke kung sino ang nagdala sa 'yo rito sa hospital, ang sabi ko ay kaming dalawa ni Nez."

Tumango ako habang pilit na pino-proseso pa rin ang mga sinasabi niya. "Salamat, Bluie. Buti na lang nariyan ka kahit wala kang kwenta."

Umirap lamang ito at padabog na inabot sa akin ang orange. Bumalik ito sa sofa nang makita si Luke na papalapit sa akin. Karga pa rin nito ang anak namin na mukhang ayaw na yatang bitawan. Umusog ako nang kaunti sa kama para makaupo siya sa tabi ko.

He kissed my forehead. "Hi, Mommy Love. How was your sleep?"

I laughed when Bluie cringed her nose na para bang nandidiri sa aming dalawa ni Luke.

Aysus, bitter.

Bumaling ang mga mata ko sa anak naming nasa bisig ni Luke at mapayapang natutulog. My lips curved upward. Kahit na damang dama ko pa rin ang pananakit ng katawan at ng ibabang parte ko ay hindi ko na iyon ininda pa because it was worth it. The pain was worth it. Lahat ng paghihirap ko ay sulit lalo na't ngayon ay narito na ang gwapo kong anghel.

Lucas Karih Quejano Abaricia. Iyan ang pangalan ng anghel namin. It came from Luke's name and my nickname, Rosas. Hindi ko alam kung bakit idinagdag ko iyong 'kari' kahit na ang baduy pakinggan. Hindi na 'ko magtataka na kung sa paglaki ng anak ko ay kakamuhian niya 'ko dahil sa pangalan niya. Naku, aarte pa ba siya? Dinagdagan ko naman ng letter H para kahit papaan'y magmukhang sosyal at hindi maisip na mula iyon sa salitang karinderya.

Lucas looked very much like his father. From its narrow and black eyes, sharp nose and thin lips. Medyo nakakasama nga ng loob eh kasi kung iisipin, ako ang nagpakahirap sa pagbubuntis at dinala ko sa sinapupunan ng siyam na buwan tapos wala man lamang nakuha sa akin na feature kahit isa.

Aba, nagkakalokohan yata kami rito.

Kinuha ko kay Luke ang anak namin at ako naman ang kumarga sa sanggol. Hindi ko tuloy maiwasan na iyak sa tuwa habang inuugay-ugay ko siya. Luke chuckled as wiped away my tears. I felt his arms wrapping around my body. Ang kaniyang baba ay ipinatong niya sa aking balikat at bahagya akong napapikit nang maramdaman ang pagdampi ng kaniyang mainit na hininga sa aking tainga.

"Thank you, Love. . ." he sincerely uttered. "Alam kong marami akong pagkukulang sa 'yo pero gagawin ko ang lahat ngayon para makabawi sa inyo ng anak natin." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin mula sa likuran.

His eyes twinkled as he stared at Lucas.

Palihim akong ngumiti. Sana nga, Luke. Sana nga.

Maraming dumalaw sa amin sa loob ng tatlong araw kong pananatili sa hospital. Halos lahat sila ay giliw na giliw sa anak ko. Bukas ay lalabas na rin kami ng hospital kaya nae-excite na ako.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon