I only want my child. Gusto ko lamang naman na makita at makapiling ang anak ko pero bakit parang pinagdadamot? Ako na nga iyong iniwan. Ako na nga iyong nagdusa nang halos apat na taon tapos ako pa ang hihingian ng pabor na kung gusto kong makita ang anak ko ay dapat sumama ako sa kaniya?
Huh! Hanga na talaga ako kung paano at saan niya hinuhugot ang kapal ng mukha na mayroon siya.
Where was the soft and innocent Luke that I'd met in college?
"Ipatulfo na natin 'yan! Gusto mo?" gigil na sulsol sa akin ni Damian habang prenteng nakaupo sa sofa.
"Ayaw ko nga! Hinding hindi ko gagawin 'yon! Nakakahiya!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh, bakit hindi? Tuturuan kita kung anong sasabihin mo! Ganito lang oh," Tumikhim siya at umayos ng upo. "S-Ser Rapi, ganito po kasi 'yan. . ." he mimicked my voice.
Kinagat ko ang labi ko sa inis. Umambang babatuhin ko siya ng throw pillow kaya agad siyang umiwas at humalakhak.
"Ito naman! Wala ka ng ibang ginawa kundi saktan ako, ah!" He clutched his chest and sighed dramatically. "Pero seryoso, ayaw mo talagang ipatulfo si Luke? May isa pa akong alam. Magpost ka sa facebook tapos tuturuan kita ng mga mahahabang caption."
"Alam mo, wala ka nang pag-asa. Malala ka na," naiiling kong tugon sa kaniya.
Namumugto pa rin ang mga mata ko kahit na kanina pa naman ako tumahan sa pag-iyak. Ilang oras din akong nag-emote sa kitchen at nang mahismasan ay agad kong inayos ang sarili ko. Paglabas ko nga ay naroon pa rin si Luke na nakaabang sa akin ngunit hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Ano pang saysay ng pakikipag-usap niya sa 'kin kung ipagdadamot pa rin niya sa akin ang anak ko? Hindi siya ang gusto kong makita, kundi ang anak ko. Matagal na akong nawalan ng pakialam sa kaniya.
I only care for my child. I only want my child.
Matagal na 'kong tapos kay Luke. Magmula nang talikuran niya ako ay tinapos ko na rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Ibinaon ko na iyon sa pinakailalim ng lupa at mahirap nang hukayin pa.
Buong akala ko ay doon na magtatapos ang pag-uusap namin ni Luke ngunit nang mga sumunod na araw ay palagi siyang pumupunta sa Café na hindi ko naman alam kung para saan at bakit niya ginagawa iyon.
He always brings breakfast, lunch or even snacks for me and for my employees. Hindi rin siya nakakalimot na bigyan ako ng puting rosas o kung ano-ano pang klaseng bulaklak.
At naiirita ako.
Wala akong ibang nararamdaman kundi inis at pagkairita sa kaniya. Bakit? Ano bang akala niya? Na kayang mabura ng mga pesteng bulaklak at panunulsol niya ang lahat ng mga kasalanang dinulot niya sa akin? Anong akala niya sa 'kin, uto-uto? Hindi na 'ko ganoon! Pero imbis na isumbat at pansinin siya ay mas pinili ko na lamang ang umiwas. I didn't say any single words or even take a glance at him.
I couldn't. . .
Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naninikip lamang ang dibdib ko.
"Hindi muna ako papasok ngayon," tinatamad kong saad kay Bluie.
Nakaupo ako sa upuan dito sa dining area habang hinihintay ang pagkaing niluluto niya.
She took a glance at me and nodded.
"Alam mo 'yan din sana ang sasabihin ko sa 'yo mamaya, eh, kaso buti naman at naunahan mo na 'ko." Bluie laughed.
Hindi na ako sumagot at tumitig lamang sa kawalan. Iniisip ko kung paano at saan ko maaaring makita ang anak ko. Hindi na ako makatulog nang maayos tuwing gabi magmula noong nalaman ko narito na sila sa Pilipinas na ang magaling niyang ama. Ang ibig sabihin noon ay iisang hangin na lamang ang nalalanghap namin at iisang ulap na lamang ang tinitingala naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomansaAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...