I need a job. Iyon ang pinakaunang bagay na pumasok sa isipan ko nang sabihin ni Mama na hindi na siya magbibigay ng sustento sa akin.
Hindi ko na rin naman siya pinilit pa. Kung mas mahal niya iyong bago niyang pamilya at kung iyon ang mas pinili niya kaysa sa akin ay bahala na siya.
Sanay naman na akong mag-isa at papatunayan ko na kaya kong mabuhay na wala sila.
Tumigil din si Tita Mavs sa pagpapadala ng pera sa akin dahil aniya'y mayroon siyang mahalagang bagay na pinagkakagastusan sa ngayon pero kapag naka-luwag-luwag naman daw siya ay hindi siya magdadalawang isip na bigyan muli ako.
"Pupunta kaming Pampanga sa Christmas, sa bahay ng lola ko. Doon kami magce-celebrate ng pasko at bagong taon," Joana muttered with excitement.
"Kami naman sa Baguio," saad naman ng isa kong kaklase.
Nakahalumbaba lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Kapag ganitong klaseng topic ang pinagkwe-kwentuhan nila ay madalas akong tahimik lang na nakikinig dahil wala naman akong ibang pupuntahan.
Ni wala nga akong pamilyang uuwian, eh.
"Ikaw, Rose? What's your plan? Uuwi kang Paete?" Cheena asked.
I gave her a weak smile and nodded my head in response.
"Oo naman! Miss na ako ng pamilya ko, eh. At saka alangan naman na mag-stay ako sa dorm mag-isa, ano namang gagawin ko ro'n?" I faked a laugh.
But little did they know that was really the case. Ang buong semester ay ilalaan ko lang sa pagtra-trabaho. I will also celebrate Christmas and New Year alone. Ewan ko, bahala na. Baka idaan ko na lang din sa tulog ang araw na iyon.
She laughed and shrugged her shoulders. "Sabagay, oo nga naman."
Mayabang akong ngumisi. Hindi sinasadyang mabaling ang mga mata ko kay Joana na ngayo'y seryosong nakatitig sa akin na tila ba sinusuri ang reaksyon ko sa mukha.
I raised my brows at her.
She then pursed her lips and shook her head. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil pumasok na ang Professor namin sa Accounting dala ang mga test paper na sasagutan namin.
Today was our final examination.
Ramdam na ramdam ang tensyon at kaba sa buong classroom. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil hindi ko pa man nasisimulang sagutan ang exam, alam ko na ang kapalaran ko para sa subject na ito.
Nang ibigay sa akin ang test paper ay marahas akong bumuga ako ng hangin. Pinasadahan ko iyon ng tingin ang buong papel at hindi maitago ng nanginginig at nanlalamig kong kamay ang kabang nararamdaman. Mayroong identification, multiple choice, essay at sa kasunod na papel ay mga business transactions na. Kailangan naming sagutan iyon mula journal entries hanggang post-closing trial balance.
Anak ng tokwa, sa trial balance pa nga lang ligwak na ako, eh.
"You may now start answering your papers. No calculator, no exam. Erasure is not allowed," our Professor announced.
"Wala rito si Chito, si Chito Miranda. Wala dito si Kiko, si Francis Magalona. Wala dito si Gloc-9 kasi wala siyang alam dito. Magbabagsakan dito, mauuna si Quejano!" I sang that made my classmates roar with laughter. Pati nga ang Prof namin ay natawa rin sa akin.
Makalipas ang dalawang oras ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Ang natitirang isang oras namin ay ginugol namin sa pagche-check ng test papers. . . at tama nga ang hula ko.
May nagbagsakan nga.
At isa na ako ro'n.
Ayos lang naman sa akin iyo at least hindi ako mag-isang bumagsak 'no! Halos lahat kami ay pasang-awa at may dalawa lang na sinuwerteng makapasa.
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomansaAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...