Chapter 8

10.3K 381 86
                                    

"Hindi ka na naman sasabay sa akin maglunch?" kunot noo na tanong ni Joana.

Mula sa notebook ay inangat ko ang paningin ko sa kaniya. Bakas ang pagtataka at pagdududa sa kaniyang mukha habang naniningkit ang mga mata sa akin.

"Hindi, eh," I replied casually.

It has been one week since the last time na sumabay ako sa kaniyang kumain ng lunch. Madalang na rin akong sumama sa mga hangouts naming magkakaibigan dahil mas madalas ko nang kasama si Luke. As much as possible, ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko kung saan ako pumupunta at kung sinong kasama ko.

Hindi naman sa kinakahiya ko si Luke but knowing my guy friends especially Damian and Miguel, alam kong papaulanan lamang nila ako ng tukso at pananakot kay Luke.

Simula noong lumabas kaming dalawa ay mas lalo pa kaming napalapit sa isa't isa but just to be clear, we're just good friends. Nothing more, nothing less.

When Saturday came, inaya ko si Luke na pumunta sa park para tumambay. Kumain lang kami nang kung ano-ano tapos umupo sa isang bench para magkwentuhan. Sobrang nakakatuwang pagmasdan na komportable na siya sa akin. He was talking about nonsense and corny jokes then followed by hearty laugh. Sa totoo nga lang ay mas natatawa pa ako sa kaniyang tawa kaysa sa joke.

"Sa Friday nga pala birthday ni Mommy," saad niya.

I looked at him and smiled. "Oh talaga? Happy birthday kung gano'n."

"Thank you," he answered, then shyly held his nape. I can sense that he wanted to say some more so I encouraged him to speak by creasing my forehead.

"May sasabihin ka 'no? Sabihin mo na." I chuckled.

"Eh kasi. . ." He looked down at the floor and held his nape. "Gusto sana kitang i-invite."

Unti-unting nawala ang nakapaskil na ngiti sa aking labi. Kasabay noon ang pag-usbong ng kaba sa aking dibdib.

Iniimbita niya 'ko? Bakit?

I haven't seen his mother personally. Sa picture pa lamang. Kilala ang pamilya ni Luke sa buong Santa Cruz dahil dati ngang Mayor ang ama nito. Ang sabi sa akin noong isang araw ni Miguel, mabait daw ang Daddy ni Luke pero iyong Mommy ang medyo ma-attitude dahil spoiled brat at anak mayaman since birth.

I nervously laughed.

"Bakit mo naman ako ini-invite? Hindi naman ako kilala ng Mommy mo."

"Kaya nga ipapakilala kita, eh." Ngumuso siya at hinawakan ang dalawa kong nanlalamig na kamay. "Sige na, please? Para sa akin lang, Rose." Hindi pa nakuntento ang loko at nagpa-cute pa. "Pretty please? Please? Please?"

Bumuntonghininga ako bago marahang tumango. Ano pa bang magagawa ko? Shuta, sa simpleng pagpapa-cute pa lang, hirap na akong humindi!

His eyes glimmered in happiness. Tila awtomatikong nawala ang kabang umuusbong sa dibdib ko nang makita ko kung gaano siya kasaya sa naging tugon ko.

Good luck na lang siguro sa 'kin.

Habang lumilipas ang araw ay mas lalong lumalakas ang dagundong ng aking dibdib sa kaba. It was already Thursday pero pino-problema ko pa rin kung anong isusuot ko bukas. Sa sobrang hindi ko na alam ang gagawin ay pinuntahan ko si Damian sa bahay matapos ang klase ko. Naabutan ko pa ang loko sa labas ng bahay habang kinakalikot ang girlfriend niya – ang motorsiklo.

Hindi ko ba alam dito sa kaibigan kong ito. Hindi naman sira iyong motor niya pero lagi na lang inaayos. May isang beses pa ngang nahuli ko siyang kinakausap niya iyong motor na may kasama pang paghimas-himas. Ewan, kinakabahan na talaga ako para sa kaniya. Sana okay lang siya.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon