Prologue

36.7K 810 185
                                    

Promises. It could be broken though never held.

Minsan hindi ko maiwasan ang mapaisip at mapatanong sa aking sarili. Bakit may mga taong nakakayang sirain ang buong pagtitiwalang ibinibigay mo sa kanila? Bakit may mga taong kahit ibigay mo na sa kanila ang lahat ay hindi ka pa rin magiging sapat?

Bakit ba ang daya ng mundo?

Ang daya-daya sa puntong sobrang nahihirapan ka na nga sa mga pasan mo tapos may tao pang darating para mas lalong pabigatin ito. . .

Hindi mapigilan ang pagbagabag ng mga bagay habang nakaupo ako sa gutter ng kalsada. Nakapatong ang mga siko sa tuhod habang ang isang kamay ay mayroong hawak na beer. Hindi makatulog. Tulala. At patuloy na ginugulo ng sariling isipan. Nakakabaliw.

Nang humampas ang malamig na simoy ng hangin, nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga bago tumingala sa madilim ngunit mapayapang kalangitan.

The night was deep, the silvery moon was dotted with the dark sky, and the naughty stars were just around, chasing and playing with her. And as the stars tried to hold the moon, it was irresistible for me to feel heaviness inside my chest. Getting envious because I know that the moon will not be lonely tonight.

Hindi kagaya ko na kahit napapaligiran ng napakaraming tao, pakiramdam ko'y mag-isa pa rin ako.

As I stared painfully above, I couldn't help but reminiscing about the days where everything was fine. Regretting the things that I did just for the sake of the so-called-love. Thinking how to forget the person who ruined my life and the person who took me away from my fucking dreams.

Minsan gusto kong bumilib sa sarili ko kasi naiisip ko. . . paano ko nakaya ang lahat ng ito? Paano ko kinakayang gumising sa umaga na mayroong dinadalang mabigat at sakit na sumasakal sa dibdib?

Gusto kong humanga sa sarili ko pero paano ko gagawin iyon kung hanggang ngayon ay mas nangingibabaw pa rin ang labis na pangungulila at pagkadismaya?

Humigpit ang hawak ko sa bote kasabay ng pagkawala ng isang mapait na tawa.

"Gaga ka talaga Rose! Kahit kailan talaga napakahina mo, kahit kailan wala kang kwenta," sermon ko sa sarili, dismayado akong umiling bago lumagok sa beer.

Kung hindi lamang sana ako naging bobo. Kung hindi lamang ako masiyadong nakampate. Kung naging maging malakas lamang sana ako edi sana-

"Umiinom ka na naman?"

I heard Bluie's voice from behind. Hindi ko siya nilingon pero ramdam na ramdam ko ang mabibigat na yapak nito papalapit sa akin.

Tiningala ko siya at bahagya akong natawa nang makita ang hawak niyang isang basong gatas. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya hanggang sa tuluyang siyang makaupo sa aking tabi.

Kagaya ng ginawa ko kanina ay tumingala rin siya sa kalangitan at ninamnam ang paghampas ng hangin sa kaniyang balat. Sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang labi at nang maramdaman niya ang pares

ng mga mata kong nakamasid pa rin sa kaniyang bawat galaw niya ay ngumiti siya at itinaas ang baso na hawak niya.

"Cheers para sa mga putang inang taong dumating sa buhay natin para lamang guluhin at saktan tayo!" sigaw niya at sabay kaming humalakhak.

"Cheers! Hindi sana masarap ang ulam nila palagi 'no!"

Our voice echoed as we let out a wild laugh.

Pero kung may isa man akong dapat ipagpasalamat, iyon ay walang iba kundi ang pananatili ng kaibigan ko. Kahit sa kabila ng lahat, nandiyan siya. Nandiyan pa rin siya. Kahit palagi kong sinasabi na wala siyang kwenta, siya lamang ang taong nanatili sa tabi ko noong panahong iniwan at tinalikuran ako ng lahat ng taong inaasahan kong mananatili. Siya lamang ang naniwala sa akin noong panahong kahit ako ay hindi ko kayang paniwalaan ang sarili ko.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon