Chapter 18

10K 330 41
                                    

Awang ang mga labi ko habang nakatulala sa kawalan. I didn't know what to say. I couldn't even utter a word. Ramdam ko ang mala-lawin niyang tingin sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang mga halo-halong emosyon. Unti-unti akong ginagapang ng guilt dahil sa sinabi Luke.

I am guilty of everything. I felt guilty for hurting Luke and leaving him without any explanations. I felt guilty for how I treated Damian these past few months. Ngayon lamang ako natamaan sa lahat ng mga nangyari. Ngayon lamang ako natauhan. Masiyado akong nagpadala sa sakit at sa galit ko noon. Sa kagustuhan kong huwag masaktan, hindi ko napapansin na may nasasaktan na pala ako.

Ni hindi ko man lang pinag-isipang mabuti ang mga desisyong ginawa ko.

"You're lucky to have such that kind of friend." Pinutol ni Luke ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kung anong ikina-ingay ng paligid ay siyang ikinatahimik naman namin. Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang turan. Mas lalo lamang ako na-guilty nang sobra.

"K-Kailan pa niya sinabi sa 'yo?" mahinang tanong ko.

Tumingala siya at ipinatong ang hintuturo sa kaniyang baba na animo'y nag-iisip. Palihim akong napangiti sa inasal niya. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga kababaihang napapatingin sa direksyon niya.

Gusto nyo si Luke? Luh, asa kayo.

"Hindi ko na maalala, eh," tugon ng lalaki, "Pero sa pagkakatanda ko ay bago pa matapos ang sem ay sinabi na niya sa akin. Nagkita kasi kami sa birthday party ng common friend namin."

I slightly nodded my head. Matagal na rin pala. I was about to say something when his friend appeared in front of us. Siya iyong babaeng lagi niyang kalingkis.

"Nandito ka lang pala, Luke. Kanina ka pa namin hinahanap! Ang sabi mo bibili ka lang–" Napaawang ang labi niya nang makita niya ako. Papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Luke bago pagak na tawa at humakbang paatras. "S-Sorry."

"Okay lang–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Luke upang lapitan iyong kaibigan niya.

I pursed my lips and removed my gaze to them.

"It's okay, Misty." Luke assured and nodded his head. "May pinag-usapan lang kami. Ano, may Prof ba sa room?"

Alanganing sumulyap sa akin si Misty bago marahang tumango kay Luke. "Ah y-yes. Nandoon si Sir Matias pero hindi siya magkla-klase. Attendance lang."

"Ganoon ba? Sige, mauna ka na. Susunod na lang ako," Luke answered.

"What? Hindi ka sasabay sa 'kin?"

Awtomatikong tumaas ang aking kilay dahil sa kaniyang turan. Napatingin ako kay Luke na umiling kay Misty na bakas ang pagkabigo sa mukha.

She liked Luke. It was evident in her eyes dahil ang paraan ng pagtingin at pagtitig niya ay katulad din sa paraan ng pagtingin at pagtitig ko sa lalaki.

"Ihahatid ko pa si Rose,"

When he said those words, I automatically stood up and shook my head. Pinagpagan ko ang suot kong pants.

"Hindi na, Luke. I can handle myself." A tiny grin plastered on my lips. "Sige na, pumasok ka na. Salamat sa oras mo."

"Hindi, Rose. Ihahatid na kita–"

"Ayon naman pala, eh. Tara na, Luke?" Misty offered her hands to him. Hindi naman iyon tinanggap ni Luke kaya napapapahiya niyang ibinaba ang kaniyang kamay.

Tumingin sa akin si Luke, ang mga labi niya ay bahagyang nakaawang at ang mga mata ay nagpapaliwanag. Kumunot lamang ang noo ko at inilingan siya.

"Sige na, una na 'ko. Baka hinahanap na rin ako nina Joana." Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok na siyang ikinagulat niya nang sobra.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon