Chapter 13

10K 355 43
                                    

Nakatulala lamang ako noong umagang iyon. Pinag-iisipan ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa totoo lang, ayos lamang naman sa akin kung ako lamang ang dehado rito. Kaya kong tanggapin 'yon kaso hindi, eh. Ang hindi ko inaasahan ay iyong madadamay ang tatay ko na nananahimik at malayo sa akin. Nang buksan ko ang mensaheng ipinadala niya sa akin ay halos gumuho ang mundo ko.

"Nawalan ako ng trabaho nang dahil sa 'yo, nang dahil sa kalandian mo. Pinatanggal ako sa trabaho ng asawa noong dating Mayor diyan. Kung miserable ang buhay mo kung nasaan ka man ngayon, pakiusap Rosemarie, huwag mo akong idamay. May pamilya akong binubuhay. Ilugar mo 'yang kalandian mo palibhasa manang mana ka riyan sa Mama mo."

Iyon ang nilalaman ng kaniyang mensahe. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit pinapatayan niya lamang ako ng telepono at nang siguro'y makulitan ay tuluyan na niya ako b-li-nock. Panay rin ang tunog ng cellphone ko dahil sa mga text at tawag ng mga kaibigan namin pati na rin ni Luke ngunit kahit isa ay wala akong sinagot.

Nadamay din ang kaibigan kong si Damian na wala namang ibang ginawa kundi tulungan ako at ang pinakamasaklap pa roon ay nawalan ako ng trabaho kung saan malaking tulong iyon para makapag-aral at mabuhay ako sa araw-araw. Iyon ang pinakamahalaga para sa akin, eh. Kaya ako nakakausad sa buhay ay dahil iyon sa pagtra-trabaho ko pero ngayon, hindi ko na alam kung saan na ako pupulutin pa.

Tinigil ko ang pag-iisip at bumangon sa kama. Walang mangyayari sa akin kung tutunganga ako sa maghapon. Mas lalo lamang akong malulugmok kung patuloy kong iisipin ang problema.

Kaya naman, kahit mabigat ang dibdib, nagawa ko pa ring umakto na parang natural lamang ang lahat. Ang mga magulang, kapatid at mismong si Damian ay binabantayan at sinusuri ang bawat kilos at galaw ko.

"Tita, Tito, alis na po ako!" I flashed a wide smile in my face; just like a typical Rose on her typical days.

Nagkatinginan silang lahat bago sumagot.

"Kumain ka muna," alok sa akin ng nanay ni Damian ngunit agad ko iyong tinanggihan.

"Hindi na po. Kailangan ko na rin pong gumayak kasi may pasok pa ako. Sa campus na lang po ako kakain."

Ilang beses pa nila akong kinumbinsi pero sa huli ay wala na rin silang nagawa. Damian silently stood up and wiped his lips. He then looked at me and gave me a small smile.

"Sabay na tayo," aniya.

Sa paraan ng pagngiti niyang iyon ay tila nabawasan ng kaunti ang bigat ng nararamdaman ko. Sa panandaliang segundo na iyon ay aking napagtanto na hindi man ako suwerte pagdating sa pamilya, maswerte naman ako pagdating sa mga kaibigan at sa ibang taong nakapalibot sa akin.

Wala kaming imikan ni Damian hanggang sa maihatid niya 'ko sa dorm. Matahimik akong bumaba sa kaniyang motor at nagpasalamat. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Tumalikod na ako at akmang papasok na sa loob ng dorm nang tawagin niya muli ang pangalan ko.

Unti-unti akong lumingon sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay bilang tugon. Ngayon ay nakasandal na siya sa kaniyang motor habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. His facial expression remained unreadable as he stared at me deeply, but still, I could clearly notice how his eyes were expressing care and tenderness over me.

Bigla siyang nagtanong, "Kaya mo pa ba?"

Bagama't nagulat ay agad ko ring pineke ang kaniyang ngiti. "Kaya ko lahat, Dammy. Anong tingin mo sa 'kin, mahina?"

He pursed his lips and nodded slowly.

"Ako ang sasalo sa mga problema mo kung sakaling hindi mo na kaya." He gave me a weak smile and his gaze went to my back.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon