Without proper closure, our relationship just ended like that. Since that day, I couldn't avoid the feeling of emptiness. Just like the dark sky lit up with lightning, everything that surrounds me, even my heart, was gloomy.
It was inevitable to cross our parts again since we've been in same universities. But then, we weren't even had a chance to talk or either, he wasn't like talking to me after all that happened. Para saan pa, hindi ba? Matapos ng lahat ng nakita niya at nangyari, sigurado akong wala na talaga siyang balak pang makita o kausapin man lang ako.
Kaya naman upang kahit papaano'y mabawasan ang sakit, pilit kong iniwasan ang mga lugar na kung saan alam kong magkru-krus ang landas namin sa loob ng campus. Hindi madali ngunit hindi na bago sa akin ang magpanggap na matapang, na walang pakialam, na hindi na naaapektuhan.
That's what I did. As the days and months passed by, I lived in pretending and that was the reason why my friends were calling me: Rosemarie, the great pretender.
He had overcome his weakness. He had been joining pageants for Mr. and Ms. LSPU-SCC, and surprisingly, he won the title. Natuto siyang makisama at makibagay sa iba't ibang tao sa kaniyang paligid. Napapansin ko rin na dumami ang circle of friends niya and I also heard that mayroon na rin siyang naging mga girlfriend pa at nililigawan ngayon kahit na wala pa yatang dalawang buwan simula nang maghiwalay kaming dalawa.
Minsan ay hindi ko maiwasang masaktan dahil tangina, bakit gano'n? Bakit parang napakadali lamang sa kaniya ang makalimutan ako? Bakit napakadali para sa mga tao sa paligid ko na bitawan na lamang ako nang gano'n? Na kaya nilang mabuhay kahit wala ako. Na kaya nilang ipagpatuloy ang lahat ng bagay na para bang hindi ako kakulangan para sa kanila. Habang ako'y heto, miserable, nasasaktan, nahihirapan, at walang araw na hindi sila inisip.
Ang daya. . . pero ayos lang. Ayos lang dahil nakikita ko naman siyang masaya. Nawala man ako sa buhay niya, marami naman siyang nakilala na tiyak kong mas labis pang makakapagpasaya sa kaniya.
"Anong plano mo sa darating na sembreak?" tanong ni Bluie sa 'kin.
Natigilan ako sa pagkain at pinagtaasan siya nang kilay.
"Hindi ko sasabihin sa 'yo. Baka mamaya gayahin mo pa ako," I joked.
She just answered me with a frown and shook her head afterwards.
Wala talaga 'to kwenta kausap! Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit at paano tinamaan si Miguel sa babaeng ito. May pagkukunwari pang nabangga itong kaibigan kong lalaki para lang makapagpapansin. Mabuti na lamang at mukhang hindi interesado sa kaniya itong si Bluie.
"So ano ngang plano mo sa sembreak? Mag-open ka naman sa'min." Pangungulit pa ni Thanika.
Bumuntonghininga ako at hinilot ang sentido. Madalang na lamang kaming magkasama-sama dahil abala na kami sa mga kaniya-kaniyang gawain. Kagaya ko, I am having a hard time with some of my course subjects like; Financial Management, Strategic Management and even in Market Research. At first, I was really fascinated with my course since I really want to be my own boss, but as the time goes by, I am slowly losing my interest in it.
"Oo nga. Huwag mong sabihin sa amin na magpapakababad ka na naman sa pagtra-trabaho? Naku, Rose!" Joana's gaze at me using her hawk eyes.
Ngumiwi ako at tinagilid ang aking ulo. "Uuwi akong Paete," pagsisinungaling ko.
Tila mayroong dumaang anghel sa sobrang tahimik. Maging sina Miguel na abala sa paglalaro ng playstation ay natigilan din at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Na para bang isang napakalaking himala na nagbigay liwanag sa buhay nila iyong tatlong katagang binitawan ko. Ganoon ka-OA ang reaksyon nila. Ni kailan man ay hindi ako nagsabi kahit kanino sa kung anong estado ng buhay mayroon ako. Ni isa sa kanila ay wala akong pinagsabihan na wala na akong pamilyang inuuwian.
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomanceAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...