"Rose, sa Jeboy's na lang natin ipagpatuloy ito. Gutom na ako." Gabbie fixed his things and stood up.
Gusto ko sanang umangal kaso tinatamad akong magsalita kaya inayos ko na lang din ang mga gamit ko at sumunod na sa lalaki. Mabilis na lumipas ang mga araw at heto nga't muli na namin kaming nagbalik sa klase para sa ikalawang semester.
Mayroon kaming activity sa isang subject at si Gabbie ang naatasang ka-partner ko. We were not close as a friend but he was fine to be with. Hindi katulad ng iba kong mga ka-blockmate na wala na ngang ambag sa mga gawain, nagrereklamo pa. Akala mo kung sinong matatalino, pabigat din naman.
"Ikaw? Kakain ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami pababa ng CBMA building.
Sinulyapan ko muna ang aking wristwatch bago sumagot. "Puwede rin. Libre mo ba?" pagbibiro ko na hindi ko naman aakalain na seseryosohin niya.
"Oh sige, wala namang problema 'yon," he answered, smirking. "Basta ikaw ang tatapos nitong ginagawa nating presentation."
"Alam mo Gabbie, may pera naman ako at binibiro lang kita. KKB na lang tayo." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng campus.
Medyo kinabahan pa ako dahil sa second gate kami dumaan, which means madadaanan namin ang Engineering Building kung saan naglalagi si Luke. Ngunit dahil lubos akong pinagpala ng nasa Itaas ay labis akong nakahinga nang maluwag nang ni anino niya ay hindi nahagip ng mga mata ko.
Simula kasi noong magsimula na muli ang second semester ay iniwasan ko nang makarinig ng kahit anong balita tungkol sa kaniya. It has been months since we parted ways. Ang unfair lang sa part ko na siya ay naka-move-on na samantalang ako ay hindi pa rin umuusad. Aaminin ko naman noong mga nagdaang buwan ay umaasa pa rin akong baka babalik siya o susubukan niya muling mag-reach out sa akin pero tangina, hindi eh. Akala ko lamang pala iyon.
Kaya ngayon, kahit paunti-unti, susubukan ko na. Hindi puwedeng habambuhay akong mananatili sa gano'ng klaseng sitwasyon.
Nang makarating kami sa Jeboy's ay agad akong umupo sa pang-dalawahang table. Si Gabbie na ang umorder para sa 'kin dahil kung pareho pa kaming tatayo ay baka maagawan pa kami ng pwesto. Kusa ko nang inilabas ang laptop at libro niya. Ipinagpatuloy kong muli ang ginagawa. Plano kasi naming tapusin ang presentation ngayon para mabawasan na kaagad ang mga tambak naming gawain.
Matapos umorder ni Gabbie ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa harapan ko. Habang hinihintay ang order ay matahimik naming tinapos ang aming proyekto. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Kuya Tolits upang ihatid ang order sa amin. Bagama't kumakain ay panay pa rin ang kwentuhan namin ni Gabbie tungkol sa mga nakakatawang pangyayari sa classroom.
"Tandang tanda ko pa no'ng first year. Grabe! Halos iyakan ko na 'yong score ko sa Accounting tapos noong in-announce ni Maaam na walang pumasa sa atin, nabuhay bigla ang mga dugo ko!" Gabbie roared with laughter.
"Isang beses lang yata ako pumasa sa subject na 'yon, eh!" pagtawa ko.
"At saka alam mo ba. . ."
Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni Gabbie nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa entrance ng Jeboy's. Gano'n na lamang ang pagdagundong ng aking dibdib sa kaba nang makita si Luke kasama ang mga kaklase niya na papasok sa loob ng restaurant kung nasaan ako. Bahagyang umawang ang aking labi na tila akong hinahapo dahil pa-rahas na pa-rahas ang pintig ng aking puso. Ito ang unang beses na makita siyang muli magmula nang magsimula ang second semester. Tatlo silang lalaki at may kasama rin silang dalawang babae. Ang isa roon ay inaakbayan niya habang nakalingkis ang mga braso ng babae sa kaniyang baywang.
Luke's eyes were glimmering in joy as they were almost dying into laughter. Hindi ko maiwasang umismid nang mapait dahil natatanaw. Kung makatawa naman 'tong mga 'to! Para bang narinig na nila ang pinaka-nakakatawang joke sa buong mundo sa sobrang saya nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Just Your Liability (Accounting Series #2)
RomanceAccounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fighting for what she believes. She says what she wants to say. She's outspoken, that's why most peopl...