"KUKUNIN NA BA AKO?"

25 3 0
                                    

"T-Tatay? Ikaw po ba 'yan? Buhay ka po? P-Pa'no? " Sunod-sunod kong tanong sa lalaking nasa harap ko ngayon at oo siya ang tatay-tatayan ko na ngayo'y wala na dito sa mundo.

Nanginginig ma'y siya'y aking tinignan nagulat na lamang ako ng siya'y nasa akin ng harapan. Ako'y kanyang sinasakal bibig ko'y parang may busal.

"T-Tatay ako'y h-hindi na m-makahinga. T-Tatay, please t-tama na. " Nahihirapan ko pang sabi sa kanya ngunit ito'y nagbibingihan o boses ko'y nawalan?

"TATAY!" Ako'y nagising sa masama kong panaginip wari ito'y hindi panaginip. Totoo ba 'iyon o gawa-gawa lang ng aking isip?

"Gang, sumama kana kay tatang." Balahibo ko'y nanindig, boses ni tatay ay aking naririnig.

Natatakot ma'y ito'y aking tinignan saglit– parang ito'y nangyari na kanina lang.

Sa panaginip ko pa rin ba ito? O ito na'y totoo?

"Gang, sumama kana kay tatang." Paulit-ulit ngunit ito'y aking nilalabanan. Pagtakip sa tenga ang aking nagawa na lamang.

"GANG, SUMAMA KANA KAY TATANG!" Ito'y hindi na katulad kanina. Ito'y parang galit na. Nakakatakot, lakas ko'y parang nauubos.

"TATAY!" Ako'y andito na ba sa aking mundo? O baka nasa panaginip na naman ito–

"Gang, sumama kana kay tatang." Andito na naman siya. Ako'y kukunin na ba niya? O ako'y sinusundo na niya?

Tinignan ko siya ng mariin sabay tanong, "Tatang? Ikaw ba ang saki'y palaging bumubulong?"

"Tatang? Ikaw ba ang saki'y tumutulong?"

" Tatang ako'y susunduin mo na ba? O ako'y kinakamusta niyo lang talaga?"

" Tatang?" Siya'y aking nilingon subalit siya'y hindi ko na makita, siya'y bigla na lamang nawala kasabay ng pagdilim ng buong paligid–

"ABING! GISING NA! WOII ABING GISING NA! Ako'y nagising sa isang malakas na pagyugyog.

"Anong nangyari?" Nagtataka ko pang tanong sa kanya.

"Ikaw ay binabangungot!" sagot niyang nagpatigil sa akin.

Bangungot ang lahat ng iyon,
bangungot kung sa'n si Tatay ay nakita ko na patay na ngayon.

Kukunin na ba sana ako?
Kung oo, sana'y sumama na lamang ako.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now