"I'M A KILLER"

4 1 0
                                    

"Mama! Mama! Uwaaaaaaaaah!" Umiiyak ko pang sigaw dito sa labas ng aming bahay.

Nakita ko naman kaagad si mama na natatarantang lumabas ng aming bahay. Hindi pa nagawang magsuot ng tsinelas at may bula pa ng sabon ang kanyang mga kamay.

"Ano? Anong nangyari sayo?" tanong niya na may pag-aalala.

"M-Mama, huhuhuhu. N-nakapatay ako." Umiiyak ko pang sabi sa kanyang habang tinuturo ang uod na namatay dahil sa pagkakaapak ko nito.

Nakita ko kung pa'no napalitan ng galit at iritasyon ang pag-aalala ni mama.

"Paktay na! Isa...dalawa...tatlooo!" Pagbibilang ko pa sa aking isipan at saka kumaripas ng takbo.

"Nyeta kang bata ka! Hoy! Bumalik ka dito!" sigaw ni mama habang hinahabol ako.

Ang ending, naabutan ako nito't pinaglaba sa mga damit na hindi niya nagawang tapusin dahil sa kaabnormalan ko.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now