Akala ko 'yong iba ay "iba",
Pero 'yong "kaibigan" ko pala.Akala ko siya ang iyong ginamit,
Ngunit bakit ako 'yong nakakaramdam ng pait?Akala ko, ako ang tunay mong mahal,
Pero nahulog kana pala sa kanya, mahal.*Flashback
"Let's break up," napayuko na lamang ako dahil sa sinabi ng mahal ko. Alam ko namang aabot sa ganito pero ang dali naman kunin ang kasiyahan ko."M-May iba na ba? O sa kanya'y n-nahulog kana talaga?" tanong ko na nagpatigil sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha no'ng sinabi niya ang mga katagang–
"Nahulog na ako sa kanya sa panahong ginamit ko lang siya." sabi mo't tumalikod kaagad. Habang ako'y naiwan na lamang mag-isa sa tagpuan nating dalawa.
Umuwing luhaan,
Umuwing nasasaktan.*End of Flashback
Masakit ngunit kailangan kang kalimutan,
Kalimutan na meron tayong nakaraan.Masakit ngunit kailangan,
Para sa minamahal kong kaibigan.~Asyrist~
Thank you for reading!