Nakakatakot diba?
Ito'y totoo talaga.
Totoo nga ba talaga?
O ito'y haka-haka lang nila?Gan'yan ang isip ng mga nakararami, may naniniwala meron ding wala.
Kuryusidad niyo'y umaangat kapag ito'y pinag-uusapan ng lahat.Tama diba?
Ano nga ba ang nasa likod nito?
Ito, basahin niyo.~
Pamilya Banyaga- o kilala bilang pinakamayang tao dito sa mundo. Masaya ang kanilang buhay pero sana'y tandaan niyo na ako'y nagsisinungaling lang dito.
Pamilya Banyaga- ay may anak na batang babae. Ito'y masayahing kanilang inaakala nasa pag-iisip pala'y may problema.
~
Gabing makulimlim, kapaligiran ay madilim.
Pamilya Banyaga, kumakain sa mesang nakakahanga.Tahimik silang kumakain niimik ay hindi mo marinig. Nakakabingi man ang katahimikan ngunit ito ay kailangan.
Tapos na ang lahat sila'y maglalaro ng taguan ng totoo, papatayin ang magpapakatotoo.
"Isa, dalawa, tatlo.
Sino sa inyo ang totoo?!""Apat, lima, anim.
Kayo'y hindi talaga aamin?!"" Pito, walo, siyam.
Takot ba kayo sa kamatayan?!""Sampu.
Kayo'y papatayin ko na lang." Sambit ng batang babae kasabay ng pagdilim ng paligid. Impit na sigaw ay iyong maririnig kasabay ng pagtahimik ang pagbalik ng maliwanag na paligid." Mahal? M-mahal!" Sigaw ng kanyang ama na ngayo'y nakatingin sa babaeng nakahiga.
Dugo, dugo ang nakapalibot dito. Ang kaninang may buhay ngayo'y malamig na lamang na bangkay.
"Anak! Ako'y 'wag mong patayin. Kami'y hindi mo pagkain." Nanginginig na pakiusap ng kaniyang ama. Takot sa kanya'y inyong madama.
Ngunit anak nila'y walang awa na ngayo'y sila'y pinagsasaksak habang lumuluha, lumuluha sa saya hindi sa pagkamatay nilang dalawa.
Siya'y parang diyablo, tumatawa ng parang hindi tao. Tinitignan ang hiwa-hiwalay na parte ng katawan ng kaniyang ama't ina tumatawa habang ito'y kanyang nginunguya.
Nasarapan sa kaniyang ginawa, awa sa kaniyang hindi mo makikita."ANO?! ANO BANG PAG-IISIP 'TO?! BA'T KAILANGAN PANG AKO ANG MAGKAGANITO?! BWAHAHAHA TAMA LANG PALA 'YAN SA KANILANG DALAWA. A-AKALAIN MO SILA'Y M-MGA TANGA. A-AKALA BA NILA'Y AKO'Y M-MAUUTO NILA? EH AKO'Y IBEBENTA RIN NAMAN N-NILA UPANG SILA'Y M-MAGKAPERA. BWAHAHAHA PUNYETA?! T*NGINA AKO'Y PAGOD NA." Kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha, dugo rin ay makikita. Binaril niya ang kaniyang sarili sa kadahilanang sa pagpatay rin sa kanya ang sa huli'y mangyayari.
Hahanapin pa ba ang hustisya? Kung kasapi lang din nila ang pumatay sa kanilang mag-asawa?
Problema nga ba sa pag-iisip ang sakit nito? O dinahilan niya lang ito?
~Asyrist~
Thank you for reading!