"L-Love, b-bat gano'n sila? Ba't mali palagi ang kanilang nakikita? Hindi ba ako kamahal-mahal? Ba't sinasaktan nila ako? Love, pagod na ako, pagod na pagod na ako," umiiyak niyang paliwanag sa'kin. Nasasaktan ako para sa kanya. Ramdam ko ang sakit sa bawat pagsabi niya ng kanyang mga hinanakit. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ang mahal ko.
"L-Love please tulungan mo naman ako oh. Gusto ko ng magpahinga." Dagdag niya pa. Nakakabakla man pero hindi ko na nakayanan. Luha'y bigla na lamang kumawala sa aking mga mata. Awang-awa na ako sa kanya.
"O-Oo, t-tutulungan na kita. Please love tahan na." Pagpapatahan ko sa kanya. Tutulungan kita kahit kapalit no'n ang iyong pagkawala.
~
"Mahal ang daya mo naman eh, tutulungan naman kita pero bakit, bakit hindi mo'ko hinintay? Bakit ngayon and'yan kana sa kabaong nakaratay? Mahal, hindi mo na ba ako mahal?" umiiyak kong saad habang hinahaplos ang mukha niyang ngayon ay natutulog na ng mahimbing at kailanman ay hindi na magigising.
Nagpakamatay siya no'ng gabing humingi siya ng tulong sa'kin,
No'ng gabing akala ko'y magiging okay na din.Umuwi muna ako no'n sa aming tahanan,
Pero sana'y hindi ko na lamang siya iniwan upang siya'y aking napigilan.Sana hindi na lamang ako umuwi no'n sa'min,
Upang siya'y andito pa rin at aking kapiling.Pero siguro nga hindi na niya kinaya,
Kaya mas pinili niyang mawalan ng hininga.~Asyrist~
Thank you for reading!