Why do I hate-

10 1 0
                                    

"WHY DO I HATE CHURCH?

Bakit nga ba?

2009:
"Nak, magsisimba lang si mama ha?" sabi ni mama.

"Sige po ma," sagot ko sa kanya.

Pero si mama'y hindi bumalik.(ѕαnα ѕumαmα nα lαng αkσ)

2011:
"Merry Christmas mga anak ng Diyos!" sabi ng pari.

"Merry Christmas!" sagot ng ibang pamilya. Galak at saya sa kanila'y makikita.

Habang ako'y naiinggit lamang sa kanila.
(ѕαnα αll вuσ)

2016:
"Happy New Year mama at papa," rinig kong sabi ng batang babae.

"Happy New Year din anak," sabi ng kaniyang magulang sabay halik sa pisngi.

Batang babae, itawag na lamang nating "Aking Ate" at oo nakatingin lamang ako sa pamilya kong buo.(ѕαnα αll вєlσng)

2017:
"Naway maging payapa ang iyong kaluluwa," rinig kong sabi ng pari kasabay ng aking paghagulhol.

"Lola, Tito, Tatay, ba't niyo ko iniwan," Umiiyak ko pang pagtawag sa mga pangalan nila.

Sunod-sunod na namatay ang aking mga mahal sa buhay.(ѕαnα αkσ nα lαng)

Simula no'n naging mailap ako sa mga tao, sa aking pamilya at hindi na ako pumupunta sa simbahan. Sapagkat masamang alaala'y hindi ko magawang kalimutan.

Ngayon ako'y isa ng Madre. Masama man ang aking naranasan, ako parin ay bumangon at Siya'y mas lalong pinaniniwalaan.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now