Our Relationshit Story

10 1 0
                                    

"OUR RELATIONSHIT STORY"

I have a long time crush, his name is Philip, 8 years ko siyang gusto. Kaklase ko siya no'ng Grade 1, transferee siya no'n, naging magkaibigan, kaaway hanggang sa nagkamu-han o baka assuming lang talaga ako.

Hindi ko alam kung bakit gano'n na lamang kagrabe ang pagkagusto ko ay mali Mahal ko na pala siya, sa sobrang pagmamahal ay sinagot ko kaagad siya no'ng nanligaw siya. Easy to get man ako kung tawagin basta siya ang aking mamahalin. Mahal ko siya kahit hindi ko alam kung ako'y mahal niya bang talaga.

Hindi ko alam kung kami ba talaga kasi naman parang pangkaibigan niya lang ang feelings niya. Nakakatawa pero 'yon ang aking nararamdaman dahil 'yon ang kaniyang ipinaparamdam.

Dalawang linggo, pangdalawang linggo lamang ako. Nakakasakit pero ako'y kaagad niyang ipinalit. Nihindi ko man lang naramdaman na akin siya at sa kanya'y ako lang talaga.

Bagong gising palang ako no'n pero sana pala hindi ko na tinignan 'yong mensaheng galing sa kanya kasi "Break na Tayo" ang laman no'ng mensahe niya. May pasabi-sabi pa siyang "You deserve a good man" eh kaya ko nga siya sinagot kasi akala ko" He's the right man."

Bakit? Bakit ang sakit? Kinakimutan ko naman na pero bakit ansakit parin talaga.

Hindi ba siya tunay na lalaki? O hindi lang talaga ako ang para sa kanya na babae?

Siguro hanggang kaibigan na lang kami.
Ako'y PANGKAIBIGAN lang kasi.

AND OUR RELATIONSHIT ENDS.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now