12:51(NO'NG BUHAY KA PA)
"Punyetang bata ka! Wala kang kwenta!"
"'Bobo! Hindi ka nag-iisip!"
"Sana hindi kana lang namin naging anak!'
"Mamatay kana!"
11:11(PATAY KANA)
"Sorry."
"Patawad kung hindi kami naging mabuti sayo."
"Sana maibalik pa ang oras,
Kung sa'n buhay ka pa.""Mahal ka namin anak, mahal na mahal."
Maganda sanang pakinggan kung ganyan ang mga sinasabi nila sa iyong lamay.
Masakit man isipin na kung sa'n nasa kabaong kana na karatay ay do'n pa nila ipaparamdam sa'yo ang salitang "Ikaw pa ay buhay."
Magandang sanang pakinggan kaso hindi eh, nasa realidad tayo nabubuhay at mamamatay.
Pawang kasinungalingan lamang 'yang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig.
'Yong tipong ipaparamdam sa'yo na okay na pero ang totoo'y hindi pa talaga.
Ganito 'yon eh.
11:11( totoong nasa kanilang isipan)
"Mabuti't namatay ang palamunin sa bahay."
"Tumatawa ng palihim."
"Mabuti't wala kana."
"Magandang bungad sa umaga na makita ang walang kwentang bata na ngayo'y nasa kabaong na nakahiga."
Masakit, pero gan'yan sila.
Gan'yan ang takbo ng kanilang isipan kung hindi mo alam.
Gan'yan mag-isip ang mapanghusga, lalong lalo na kapag ikaw ay mainit sa kanilang mata.
~Asyrist~
Thank you for reading!