"WHO AM I?"

6 1 0
                                    

"WHO AM I?"

Sino nga ba ako?

O Sino ba 'yong dating ako?

*Flashback
"Okay lang ako." Tumalikod ako kaagad sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Ba't ba parating ako?
Ang parating sinasaktan nila
Ang parati nilang inaabuso
Upang makaangat lamang sila

~

"Wala akong problema." Sabay ngiti sa kanya. Nakakatawa lang dahil nihindi nito napansin na ito'y peke lamang talaga.

Ba't ang hirap ng magpanggap?
Bakit palagi ako ang nag-aadjust?
Dahil akala nila na masaya ako?
O dahil magaling ako sa pagbabalat-kayo?

~

"Kaya ko pa." Sabay ngiti ng mapakla, sabay punas sa luhang kanina pa kumawala.

Ba't parang napapagod na ako?
Bakit napapagod na ako?
Gano'n na ba ako kahina?
O dahil pang-aabuso nila'y hindi ko na kaya?

*End of Flashback
Sino nga ba ako?

Sino nga ba 'yong dating ako?

Ako 'yong parati nilang inaabuso,
'Yong saya'y niminsa'y hindi pinagkaloob ng kahit sino.

Ako 'yong karamay nila sa lahat ng kanilang problema,
Ako 'yong kanilang sandalan kahit wala sila no'ng sila'y aking kailangan.

Ako,
Ako 'yong lumabang mag-isa
Problema'y aking kinaya
Dahil sa tulong ng ating Ama

Sino nga ba ako?

Ako 'yong dating mahina,
Pero ngayo'y kaya ng mabuhay mag-isa.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now