"Ate Beng! And'yan ang crush koooo!" tili ng kaibigan ko na ate ang tawag sa'kin. Nyetik ansakit ng balikat ko dahil sa paghampas niya.
"May mata ako noh," Pagalit kunwari kong sabi sa kanya. Andyan na nga ang crush niya na crush ko rin pero hindi ko sinabi sa kanya.
Nakakalungkot man pero ito'y nilihim ko na lang.~~~
"Ate Beng! Si crush kooo nisubuan niya ako kanina!" sabi pa niya na may halong kilig.
"Yieeee sanaol!" sabi ko na lang kahit masakit makita na may ibang gusto ang gusto mo at ang masaklap pa talaga ay kaibigan mo ang gusto nito.
~~~
"Ate Beng! Kami na ni crushhhh!" sabi niya pa na naging dahilan ng pagtigil ng aking paghinga charot pero ang sakit taena.
"Congrats! Sige, alis na muna ako," Tumalikod ako kaagad dahil ayaw kong makita niya na nasasaktan ako.
~~~
Simula no'n ay kasama na namin palagi si Ian. Ewan ko nga at bakit pinapasama nila ako at etoh naman ako, pumayag kahit masakit na makita silang masaya. Araw-araw gano'n ang nangyayari. Kaya always akong sawi char pero totoo ang sakit.
Naisipan kong hindi pumasok kinabukasan.
*Pop
Nagulat ako nang may biglang magchat pero mas nagulat ako ng makitang si Ian ito.Ian: May aaminin ako sayo. Ikaw ang gusto ko mali ikaw ang mahal ko. Ginamit ko lang ang kaibigan mo upang mapalapit ako sayo. Mahal kita Ysa, mahal na mahal. Nagiguilty ako tuwing nakikita kitang nasasaktan kapag nakikita mo kami ni Mel. Sorry kung naging duwag ako, sorry talaga. Kaya ngayon gusto kong mangligaw sayo. Kung okay lang?
Kung nagulat ako na si Ian ang nagchat ay mas nagulat ako sa pag-amin niya. Pero pa'no si Mel? Mahal ko ang kaibigan ko pero mas mahal ko si Ian.
Sinagot ko si Ian ng walang pag-aalinlangan. Sikreto lamang ang aming relasyon bukod sa bawal pa akong magkarelasyon ay sa mata rin ng lahat ay sila ni Mel.
Pero siguro nga ay dakila siyang manggagamit dahil pati ako ay kaniyang ginamit.
Mahal niya ako pero ako parin ay kanyang niloko.
Nakahanap uli siya ng iba kaya ako nama'y na iwang mag-isa.
~Asyrist~
Thank you for reading!