"P-Pa, may meeting daw p-po ang mga pa-"
"May ginagawa ako, kaya alis!" galit niyang pagpuputol nito sa sasabihin ko.
"S-Sige po," Nakayuko kong saad at umalis na lang.
*Kinabukasan...
"Pa, b-bukas na p-po ang meeting," saad ko pa dito nang may mahinang boses yung tipong siya lang ang makakadinig."Ba't ngayon mo lang sinabi?! May pupuntahan ako bukas!" Pagalit niyang sigaw.
"Ahm sige po," Sabay talikod sa kanya.
*Araw ng Meeting...
"May pupuntahan lang ako," saad ni papa."Ahh sige po," saad ko na lamang na may mahinang boses.
............
"Papa!"
"Hon!""Mga prinsesa ko!" saad ng isang lalaki nang may galak at pananabik sa dalawang babae na ngayo'y yakap-yakap na niya.
Napangiti na lang ako nang mapakla habang nakatingin sa isang pamilyang tumatawa at masaya.
Sana pala hindi ko na lang siya sinundan, nang sakit ay hindi na maramdaman.
Pamilya ko na ngayo'y nagbago, kagaya ni papa na may pamilya nang bago.
Nasira na ang pamilya naming masaya, simula no'ng si mama'y may iba nang kinakasama.
Ngayo'y nakatingin na lamang kay papa habang ang mga luha'y kumakawala na sa mga mata.
Umiiyak man ngunit sila'y aking pinuntahan. Makikita sa mga mata nila ang gulat at pagkaawa pero itong aking ipinagsawalang bahala.
"P-Papa," Umiiyak ko pang pagtawag sa kanya.
"A-Anak," sambit niya pa.
"M-Marami pong s-salamat sa l-lahat, p-patawad po kung pagmamahal k-ko sayo'y hindi naging sapat. P-Papa, kung sa kanila ka p-po sasaya, okay lang po kung iiwan niyo a-akong mag-isa. S-Sige po, papa paalam na." Sabay takbo nang mabilis, magkandapa-dapa man ngunit kailangan ko na talagang umalis.
"Papa, mahal na mahal kita," sambit ko na lamang sa aking isip.
~Asyrist~
Thank you for reading!