Why do I hate-

6 1 0
                                    

"WHY DO I HATE RAINS?"

Bakit nga ba?

Dati gustong-gusto ko ang ulan
Dahil natatabunan nito ang luha kong nag-uunahan

Dati masaya ako pagnagtatampisaw sa ulan
Ngayon takot na ang aking nararamdaman

Dati nag-uumapaw ang aking saya
Ngayon luha na'y kumakawala sa mata

Bakit nga ba umabot sa ganito?
Bakit nga ba ako nagkakaganito?

Gabing makulimlim
Ako'y matutulog na sa kwartong dilim
Pumasok ang aking pinsan
At ako'y kanyang hinipuan

"K-Kuya, kuya 'wag po!" Pagmamakaawa ko pa sa kanya. Ngunit ito'y parang walang narinig na nagpadulot sa'kin nang labis na panginginig.

Isang linggong pag-ulan
Isang linggong pagdusa ang naramdaman

Ngayon takot ang naramdaman,
kapag umuulan.

Marka ng kanyang kamay,
kapag naaalalay parang gusto ko ng mamatay.

Hindi magawang kalimutan,
ang masamang pangyayari.

Ang masamang naranasan,
dulot nang maulang gabi.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now