"Sikretong sinikreto"

7 1 0
                                    

"Woi! Crush ko ang crush niyo!" Gustuhin ko mang sabihin pero 'wag na lang. Gustuhin ko mang aminin pero piniling sarilihin.

"Kung nasasaktan kayo mas lalo ako." Gustuhin ko mang sabihin sa inyo pero pinili ko na lamang itong isikreto. Nasasaktan kayo not knowing na mas nasasaktan ako.

"Nagpapatulong kayo sa'kin para sa nagugustuhan niyo na nagugustuhan ko rin. Tinutulungan ko kayo para maging kayo kahit kapalit nito ang "masasaktan lang ako." Gustuhin ko mang sabihin ang aking nararamdaman pero sabi ko nga "ayaw kong ako'y inyong layuan."

"Yieeeeeee ikaw pala ang crush ng crush mo!" 'Wag niyo'kong paniwalaan dahil sa totoo "Ikaw pala ang crush ng crush ko na sana ako."

"Yieeeee crush siya ng crush niya!" 'Wag niyo kong paniwalaan dahil sa totoo "crush rin ako ng crush mo pero hindi pala 'yon totoo dahil ginamit lamang ako nito upang itago ang totoong nararamdaman nito.

"Kinikilig ako sa inyo." 'Wag niyo'kong paniwalaan dahil sa totoo "ako'y nasasaktan."

" Sana all!" ''Wag niyo'kong paniwalaan dahil sa totoo "sana ako" 'yan.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now