"MAHIRAP MAGING AKO"

21 1 0
                                    

"P-Papa? Maligayang kaarawan p-po." Sabi ko sabay abot sa kanya ng isang liham na kagabi ko pa ginawa. Naglalaman ito ng mga pasasalamat at pagmamahal ko sa kanya. 'Yan lamang ang nakayanan kong ibigay sa aking ama na sana'y tanggapin niya.

"Ano ito?! Walang kwenta!" Sabi niya't tinapon ito kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko. Akala ko tatanggapin niya. Akala ko ito'y babasahin niya pero akala ko lang pala talaga.

Ngumiti na lamang ako ng mapakla at pinigilan na tumulo ulit ang mga luha.

"Pasensya na po papa kung ito lamang ang aking maibigay." Sabay kuha sa liham na tinapon niya kanina lang.

"Tsk." 'Yan lamang ang naging tugon niya't umalis na. Hudyat upang ako'y lumuha't umupo dahil sa panghihina.

Binuksan ko na lamang ang liham at ito'y binasa. Luha sa mata'y nag-uunahan na.

"Mahal kong papa,
         Hi pa! Maraming salamat po at ako'y inyong inaruga kahit ako'y hindi niyo totoong anak talaga. Gusto ko lamang pong sabihin na ako rin ay mawawala na. Meron po akong sakit pero ito'y nilihim ko na lamang po sayo dahil ayaw ko pong magsayang kayo ng pera para lamang sa walang kwenta na kagaya ko. Malapit na pong mawala ang walang kwenta niyo pong anak. Malapit ko na po kayong iwan kaya sana sarili niyo po'y alagaan. Kumain po kayo sa tamang oras papa ha? 'Wag ka pong sumunod kaagad sa maganda niyong dalaga hahahaha. Uminom po kayo ng gamot niyo. Tandaan niyo po ang mga pinangbabawal sayo dahil wala na ang isang ako na magpapaalala sayo kahit ako'y sinisigawan niyo. Alam ko pong okay lang na mawala ako sa inyo pero papa sana'y tandaan mo po na "Mahal kita pero papa, paalam na."

Maligayang kaarawan po sa inyo pero parang huling kaarawan mo na po ito na kasama ako.

Ang iyong anak,
Asy."

Huling basa ko at pinunasan na ang mga luhang tumutulo.

Sana kahit mawala man ako,
ako sana'y maalala ng papa ko.

Mahirap maging ako,
lalo na kung tingin nila'y wala kang kwenta dito sa mundo.

"Mahal na mahal kita papa pero paalam na." Huling sambit ko at unti-unti na akong nanghihina, mga talukap sa mata'y unti-unti ng sumasara. Ngumiti na lamang ng marahan. Ako na’y malalagutan kaya–

"Papa, paalam."

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now