Why do I hate-

10 1 0
                                    

"WHY DO I SPREAD LOVE?"

Bakit nga ba?

SA PAMILYA:

"PUTANGINA ABING! BA'T ANG BOBO MONG BATA KA?! WALA KA TALAGANG KWENTA! SANA HINDI KANA LANG NAMIN NAGING ANAK!" sigaw ni papa.

Inner me: Pa, salita mo'y parang kutsilyo,
Ito'y nagbibigay sugat sa aking puso.

"Nagchachat lang kayo kapag may kailangan, pagod na ako dito," chat ni mama.

Inner me: Ma, pagod na rin ako,
Pagod na pagod.

"Abing! Ano ka ba uy?! Ba't hindi ka ro'n sa bahay natutulog ha?! Hindi ka man nag-iisip uy!" sabi ni ate.

Inner me: Ate, sinasaktan ako ni papa,
Nang hindi niyo inaakala.

SA KAIBIGAN:

"Sab! Kulang kami ng isa ikaw na lang," sabi ng aking kaibigan.

Inner me: Naaalala niyo lang naman ako,
Kapag kulang kayo.

"Hala sab! Gumala kami kahapon hindi kana namin sinama," sabi nila.

Inner me: Hindi niyo ko sinama,
Kasi ayaw niyo akong kasama.

"WHY DO I SPREAD LOVE?"

Bakit nga ba?

Kasi sa tanang buhay ko nihindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal, puro pasakit lamang ang aking naramdaman galing sa aking mga minamahal.

"WHY DO I SPREAD LOVE?"

Kasi gusto kong mahalin sila kahit sobrang sakit na.

"WHY DO I SPREAD LOVE?"

Kasi kahit hindi nila ako mahalin ay gusto kong iparamdam sa kanila na Mahal na mahal ko sila.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now