Kabanata 1

823 19 7
                                    

What a peaceful night it was.

Umihip ang malamig na hangin. Ang kalmado ng kalangitan. Tanaw mula sa bintana ko ang tatlong bituin. Katatapos ko lang kumain at nagpapahinga nalang ako.

"Oy, Natasha!" tawag sa akin.

Hinanap ko kaagad ang pinagmulan ng boses. Nakita ko si Betty na kumakaway sa akin. May hawak siyang skateboard. Ang lawak ng ngiti sa labi.

"Tara skateboard!" aya niya.

Tinignan ko ang digital clock ko na nasa ibabaw ng bedside table. It read 9:45 in the evening.

"Tara dali!" She beckoned.

"Wait," sabi ko.

Kumilos kaagad ako. Hinanap ko ang skateboard na nakatago sa cabinet ko. Nang nahanap ko 'yon ay napangiti ako.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita ko kaagad si Papa na nagwowoodcarve na naman.

"Papa!" tawag ko. Kaagad niya akong nilingon.

"Oh? Saan ang punta mo?" tanong niya.

"Sa labas, Papa. Skateboard," sagot ko.

"Ipagtimpla mo muna ako ng kape,"

Siningkitan ko siya ng mata.

"Dali na, kung gusto mong maglaro sa labas,"

I chuckled. "Sus, gustong magpalambing ni Papa!"

"Minsan lang naman,"

Inirapan ko si Papa pero natawa rin ako sa huli. Gabing gabi magkakape? Mahihirapan na naman 'to makatulog.

Nagtimpla muna ako ng kape. Kalahating kutsara ng black coffee, isang kutsara ng creamer at isang kutsara ng asukal. Paborito ni Papa ang timplang kape ko. Pero minsan gusto ko nalang isipin na binibiro lang niya ako para ipagtimpla ko siya.

"Ito na nga po," sabi ko at nilapag ang baso sa kanyang mesa. "Kabuong gabi nagkakape ka na naman, Papa."

"Hayaan mo na ako, 'nak. May tinatapos lang akong trabaho."

Humalukipkip ako at bahagyang umupo sa gilid ng mesa.

"Pa, puwede naman kasing ipabukas na 'yan," dismayado kong sabi.

"Hindi puwede, 'nak. Gusto ko matapos siya ngayong gabi para bukas konting linis nalang," aniya habang inaayos ang woodcarve niyang statue ng isang babae.

Bata pa lamang ako ay nag-uukit na si Papa. Kilala rin siya rito sa bayan namin. Nakapagtapos siya Fine Arts sa UP at malaking advantage iyon sa kanya.

"Rushed ba 'yan?" Tanong ko.

"Hindi naman din,"

"Oh? 'Di naman pala, Papa, e. Magpahinga ka na kaya?"

"Natasha?" rinig naming boses ni Betty.

"Sige na. Mag-skateboard ka na sa labas," Papa dismissed the topic. "Basta bago maghating gabi nakauwi ka na ha?"

I smiled cheerfully and hugged my father. "Thank you, Pa! I love you!"

"Ay sus. Sige na alis na."

Kumaway muna ako kay Papa bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Nakita ko kaagad si Betty na mukhang kanina pa naghihintay. Nang nakita ako, she sighed in relief.

"Akala ko mamanggahin mo 'ko!" She blurted out.

"Saan tayo ngayon?"

"Nagpaalam ka ba kay tito? Baka tumakas ka ha? Lagot tayo pag-uwi mo!"

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon