Kabanata 5

164 6 7
                                        

Nang hapong iyon ay naligo ako. Sinuot ko ang sando ni Papa at ang sweat pants kong kulay abo. I was still mad at my father. 'Di ko siya pinapansin kahit panay ang sulyap niya sa'kin.

"Bagay naman pala sa'yo ang sando ko," komento ni Papa. 

Nasa sala kami. Nanonood ako ng Animal Planet samantalang si Papa nag-aayos ng kanyang gamit. Wala naman siyang ibang pinagkakaabalahan bukod sa trabaho niya.

"Alam mo, 'nak? 'Di ko alam kung tomboy ka ba o ayaw mo lang sa pambabaeng damit," wika ni Papa.

"Ayoko lang siguro. 'Di naman ako babae," tamad kong sagot. Nakapirmi lang ang tingin ko sa palabas.

"Kung sabagay. Bata ka palang ganyan ka na. Mahilig ka sa panlalaking damit. Kahit nga 'yong tsinelas ko ikaw taga-suot."

Nilingon ko si Papa na ngayo'y nakangiti sa akin. Pero halata sa kanya na malungkot siya.

"Nu'ng bata ka pa, kapag umuuwi ako galing sa trabaho, alam mo ba ano lagi mong sinasabi?"

I blinked once. Maybe I had the best childhood memories but I barely remembered them. Ang alam ko lang, namulat akong si Papa lang ang kinikilala kong magulang. Ang akala ko nga dati si Nanay Gabbi ang nanay ko pero nakapagtataka dahil magkapatid lang sila ni Papa.

"Eh ano?" tanong ko.

"Ganto oh, "Papa, pengeng barya." sabay magpapacute ka sa'kin," natatawa niyang kwento.

Uminit ang sulok ng mata ko. 'Di ko maimagine na mawala sa'kin si Papa. He was my other half. Kung hindi dahil sa kanya, 'di ko maimagine kung ano ako ngayon.

"Papa naman e," naiiyak kong sabi.

Tumawa nang mahina si Papa. Nagpunas naman ako ng pisngi kong basa ng luha. Parang kinukurot ang puso ko. Humahapdi.

Tumabi si Papa sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam kong masama ang loob mo sa 'kin kasi maiiwan ka dito. Pero alam mo kasi, 'nak. Kung lagi akong nasa tabi mo, paano ka matututong tumayo sa sarili mong mga paa? Hindi naman habambuhay na makakasama mo ako. Darating ang araw na magkakalayo tayo."

"Ayaw ko, Papa. Gusto ko sa tabi lang kita," malungkot kong sabi.

Bumuntong hininga si Papa.

"Paano kung gusto kang kunin ng Mama mo? Sasama ka ba?" tanong niya. I was caught off guard. It took me couple of seconds before I replied him.

"Siyempre hindi, Papa. Bakit kita ipagpapalit kay Mama? Buong buhay ko ikaw ang nag-alaga sa'kin. Ikaw lang ang Papa ko. Hindi kita iiwan, Papa."

"Pero... 'di na kita kayang pag-aralin sa kolehiyo, 'nak. Masyadong mahal ang tuition fee ngayon."

Natahimik ako. Lumunok ako ng isang beses at ngumiti.

"Ano naman ngayon?" I held my father's hand. "Maraming paraan para kumita ng pera, Papa. Sabi nga nila, 'kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.' Magwo-working student ako."

"Kaya mo ba 'yon kung dito palang 'di ka tumutulong sa gawaing bagay?"

Bumusangot ako at humalukipkip.

"Papa naman. Masyado mong minamaliit ang anak mo. Hindi man ako magaling sa gawaing bahay, madiskarte naman ako sa buhay," depensa ko.

"'Yan... nagpapalusot ka na naman."

Tumawa ako. 

"Papa, totoo naman po. Okay nga lang na 'di na ako mag-aaral-"

"Hind puwede, 'nak. Mataas ang pangarap ko para sa'yo. Sabi mo gusto mong maging singer at magkaroon ng malakihang concert. Gusto kong mapanood kita na nagpeperform sa harap ng libo libong tao."

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon