"Kumusta ka, Natasha?" Tanong ni Sheba.
Pinaupo ko sila sa may mahabang upuan na gawa sa kahoy. Pinaghanda sila ni Mama ng makakain.
"Ayos lang naman po. Sinusubukan ko pong maging matapang," sagot ko. Nahihiya ako sa kanya sa totoo lang.
Ngumiti siya. "Sure akong matapang ka at kakayanin mo 'tong pagsubok na 'to. Hindi man kita kilala personally, kita naman sa'yo na marami ka ng napagtagumpayang laban."
"Thank you po. Ang bait niyo po. Swerte po si Aaron sa'yo."
Nagkatinginan silang dalawa. Nabigla siguro sila sa sinabi ko. Ngumiti si Sheba at hinawakan ang kamay ni Aaron.
"Swerte ko rin naman kay Aaron, Natasha," she turned to me with a smile. "Swerte ko kasi kaya niyang mag-sacrifice para sa relasyon namin. Minsan nagkakasumbatan pero at the end of the day, nase-settle din naman namin ang problema. Kailanman hindi ako sinukuan ni Aaron."
Pilit akong ngumiti. Nasasaktan ako. Mas lalo kong napagtantong gusto ko nga si Aaron. I wanted him for myself but I knew I couldn't have him. Never will. May Sheba na siya. At alam kong mas masaya siya kay Sheba.
My chest was getting heavier. Bakit naman ngayon pa dumagdag 'yong sakit na makita silang dalawa? 'Di ba puwedeng pinagpaliban muna? Kailangan talaga sabay-sabay?
I excused myself from them after the small talk. Pinuntahan ko si Papa. Nagulat na lang ako nang may malaking insektong dumapo sa akin. Kulay brown siya at mukhang paruparo. Napatitig ako doon at naiyak nalang.
I wished this was my father trying to console me. Kahit sa huling sandali man lang ay maramdaman ko ang presensya niya. Whatever it was, I wanted to lie to myself that this was my father.
Kinabukasan ay libing na ni Papa. I was with my mother's side the whole time. Iyak lang ako nang iyak kahit anong patahan ni Mama sa'kin. Kasama ko rin si Nanay. Si Tatay naman ay umaalalay kay Papa.
"Ma... wala na ba talaga si Papa?" Umiiyak kong tanong kay Mama.
"Kailangan, 'nak eh. Kailangan ng umalis ng Papa mo."
I pursed my lips and cried even more. Namamanhid na rin ang puso ko pero hindi pa rin nauubos ang luha. Sana matigil na 'to. Ayoko na nito.
Nagkaroon ng misa para kay Papa. Nagsindi rin kami ng kandila at nagwisik-wisik ng holy water. Pagkatapos ay may picture taking. Nang matapos iyon ay dinala na namin si Papa sa sementeryo.
My heart crushed even more. Sa huling sandali ay dinungaw ko si Papa sa kanyang hinihigaan. Niyakap ko ang kabaong at humagulhol. Inalalayan pa ako ni Mama dahil baka raw matuluan ng luha ang salamin. Bawal umano iyon.
"Mamimiss kita, Papa... Mamimiss ko ang yakap at biro mo. Mamimiss ko ang tawa mo, 'yong pag-aalaga mo sa'kin. Mamimiss ko 'yong mga panahong chinicheer up mo ako kapag nanghihina ako at gusto ko nalang sumuko. Sana nandito ka pa rin, Papa, para punasan mo ang luha ko. 'Di ba ayaw mo na umiiyak ako? Sige na, Pa. Balik ka na, please?"
Niyakap ako ni Mama. Sa kanya ko pinagpatuloy ang pag-iyak. Wala na akong magagawa. Oras na para bitawan si Papa. Oras na para palayain siya. Alam kong masaya na siya ngayon. Kung nanonood man siya sa'kin ngayon, sana punasan niya ang luha ko. Sana patahanin niya ako kasi sobrang sakit mawalan ng ama. He's my favorite person.
Pinanood kong pinasok si Papa sa loob ng kanyang himlayan. Inisa isa ko ng tingin ang mga tao sa paligid at ang iba ay umiiyak din. Ang iba naman ay nagpapakita lang ng lungkot sa mukha. I guess pain only depends on how much someone means to you. Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo pinapahalagahan ang isang tao, kung wala lang sila sa'yo at biglang mawala. You'll never get hurt by something you're not holding on to.
BINABASA MO ANG
Handang Maubos
General FictionWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?