Kabanata 3

222 8 5
                                    

Tatlong araw na ang lumipas pero 'di pa rin umuuwi si Papa. Sobra akong nalulungkot. Ang hirap dahil wala kaming komunikasyon. 'Di ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Kung kumakain ba siya sa tmang oras. Baka iba na ang nagtitimpla ng kape niya o anuman. I was overthinking already. Bagaman hindi ito ang unang pagkakataon na umaalis si Papa, 'di pa rin ako mapapanatag dahil 'di ako sanay na wala siya. Kahit pa pagdating naman niya ay may pasalubong ako.

"Natasha, tara!" rinig kong tawag sa akin. Napalingon ako kung sino iyon. Si Betty pala.

"Saan?" I asked her.

Lumapit sa'kin si Betty. Nagpatuloy naman ako sa pagdidilig ng mga halaman. Wala kasi akong magawa.

"Tara sa Intramuros?" Nakangisi niyang aya.

Kinunutan ko siya ng kilay.

"Bakit? Anong meron?" takha kong tanong.

"Nag-aya si Aaron. Baka gusto mong sumama sa'min? 'Di ka naman siguro busy?"

"Baka 'di ako papayagan. Ang layo kaya ng Intramuros,"

"Ngayon lang naman. Nood na rin tayo ng sunset sa Manila Bay."

Napaisip ako sa sinabi niya. I loved sunset because it made me feel euphoric . Ang sarap lang kasi panoorin iyon. Napapakalma ako.

"Pero kung 'di ka papayagan, siguro mamayang gabi nalang? Siguro skateboard nalang tayo."

"Sige," I agreed. "Kung 'di ako papayagan, kayo nalang. Next time nalang ako sasama."

"Okay. Sabihan ko nalang din sila."

Tumango ako bilang tugon. Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya. Ako naman ay nagpatuloy sa pagdidilig.

Nang hapong iyon, sinubukan kong magpaalam kina Nanay Gabbi at Tatay Kenneth.

"Intramuros? Anong gagawin niyo du'n?" tanong ni Nanay nu'ng nagpaalam ako. Sinabi ko na niyaya ako ng mga kaibigan ko na pumunta ng Intramuros.

"Mamamasyal, Nay. Magba-bike lang kami," sagot ko.

"Ang layo ng Intramuros, Natasha. Saka wala ang Papa mo. 'Di ka puwedeng umalis sa kung saan saan."

Nadismaya ako na 'di ako pinayagan ni Nanay. 'Di nalang din ako tumutol pa.

"Sige po," sabi ko.

Dahil 'di ako pinayagan ni Nanay na umalis, nagkulong nalang ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang diary ko at nagsulat ng entry.

April 16, 2015

Nag-aya raw si Aaron na pumuntang Intramuros. Guess what? 'Di naman ako pinayagan ni Nanay kasi wala raw si Papa. Gets ko naman 'yon. Alam kong iniingatan lang nila ako pero nakakasama pa rin ng loob. Sayang kasi wala ako sa lakad. Pero may usapan naman kami na kapag 'di ako pinayagan, sa gabi nalang kami maggala. Same old thing. Skateboard. Tumakas kaya ako mamayang gabi? Hmm. 'Di naman siguro nila malalaman kasi tulog na sila, ' di ba?

Noong gabing iyon, sumabay ako sa mag-asawa na kumain. Tahimik lang ako. Dismayado pa rin ako na 'di ako pinayagan.

"Natuloy ba sila sa lakad nila?" biglang tanong ni Nanay. Tumango naman ako. Ayokong magsalita. "Nagpunta si Betty kanina. Mag-skateboard daw kayo mamayang gabi."

Nag-angat ako ng tingin sa mag-asawa. Nagulat ako sa sinabi ni Nanay. Bakit 'di ko alam na pumunta pala si Betty dito? Anong oras?

"Pinagpaalam ka sa'kin ni Betty. Papayag ako pero sa isang kundisyon."

Napatingin ako kay tatay. Bigla akong kinabahan. Bumaling ulit ako kay Nanay Gabbi.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon