"Ano palang balak mo ngayong bakasyon?" biglang tanong ni Kiko.
"Uuwi raw kami ng Bohol."
"Talaga? Saan daw?"
"Sa Carmen, I guess?"
"Oh? May bahay kaya kami doon."
Nilingon ko siya. "Talaga? Kaninong bahay?"
"Kina Lola at Lolo."
"Ahh, buti ka pa buhay pa iba mong pamilya."
"Gusto mo bang patayin ko sila?" bigla niyang tawa.
"Gusto mo bang sakalin kita? Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin."
"Ay 'di ba? Sorry na."
I scratched my nape. Adik ba 'to?
"Pero kailan alis niyo? Babalik ka pa naman, 'di ba?"
"'Di na," I lied.
"Ha? Bakit?! Paano pag-aaral mo?"
"Ayoko na mag-aral. Magtatrabaho nalang ako."
"Baliw ka ba? Mas mahirap maghanap ng trabaho kapag walang pinag-aralan."
"'Yon lang naman goal natin sa pagtatapos, ang makahanap ng trabaho. Ang dami kayang magagaling na tao kahit highschool graduate lang."
"Oo pero mas maganda pa rin 'yong may diploma para makita mo 'yong concrete proof na nakapagtapos ka at may pinag-aralan."
"May pinag-aralan ka nga pero wala ka namang manner. Wala rin."
"Ibang usapan 'yon. Mas maganda pa rin na may tinapos."
I grimaced at him.
"Ang arte mo, Kiko. Joke lang na 'di na ako mag-aaral. Ano naman ang gagawin ko sa buhay? Tambay lang? Palamunin?"
"O 'di ba? Ayaw mong palamunin ka tapos 'di ka pa mag-aaral. Sayang buhay. Walang purpose."
"Bakit? May purpose ka ba?"
"Oo naman! Babawi pa ako kina Mama at Papa, 'no! Ganito lang ako pero malaki ang plano ko para sa kanila."
"Ganu'n siguro mga tao, ano? May mga plano. We fear about our future. We make plans for our future. Nakakalimutan na natin 'yong ngayon."
"Well, that's us. Kasi kung wala kang plano, wala kang guide. Hindi mo alam anong next mong gawin. It's like you're lost in wilderness."
"Pero wala ng kasiguraduhan sa mundo ngayon. Lahat ng bagay ay maglalaho. Who knows what tomorrow will bring? Who knows baka bukas napagod na rin ang araw na sumikat? No one knows."
"Kaya nga we have to cherish and enjoy the present. It's okay to plan the future but don't forget to live the present," dugtong niya. "Kasi kung puro future ka, you'll get lost in the present. Kapag hindi mo naeenjoy ngayon, most probably hindi ka magiging masaya in the future."
I couldn't disagree with him. Kaya siguro hindi ko pa nakikita ang sarili ko five years from now kasi wala akong malinaw na plano ngayon. Wala akong timeline. 'Di ko alam ano ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko. Naliligaw pa ako.
Umuwi na rin ako matapos makipagkwentuhan kay Kiko. He told me about this particular girl na gusto nga niya at nililigawan na niya ngayon. Pero hindi alam ng babae so bahala na siya sa diskarte niya.
Pagkatapos ng hapunan namin ay tumambay ako sa kwarto ko. I picked up my guitar and built a chord progression. I hummed and thought of a lyrics na swak sa nararamdaman ko or kung ano 'yong gust kong ilabas. I was already content that I finally finished my song for my father. Ngayon ay iba naman.
BINABASA MO ANG
Handang Maubos
Narrativa generaleWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?