Malapit na ang midterm exam namin at mas naging abala ako sa pag-aaral. Madalang nalang ang pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Aaron. But I made sure that I would be there when he needed me. At ganoon din siya sa akin. Kapag nalulungkot ako, pinupuntahan niya ako sa labas ng bahay. Ewan ko ba pero iba talaga ang epekto ng presensya ni Aaron. Kahit nakakaasar siya, napapangiti niya pa rin ako.
"Puwede pala 'yon?" biglang tanong ni Aaron. Nilingon ko siya na ngayo'y nangingiti.
"Alin?" I asked.
"Puwede palang malungkot ang isang jackstone. Ngayon ko lang na-realize," tumawa siya sa dulo.
"Sira ka talaga," natawa nalang din ako.
Napangiti ako habang inaalala ang mga sandaling iyon. I knew Aaron was special to me. Iba 'yong tingin ko sa kanya kumpara sa kung paano ko tignan ang mga tropa kong lalaki. I've never met any man like Aaron. Ang mature niya mag-isip.
"Ganda ng ngiti, ah?" kutya ni Ara at biglang sumulpot sa harapan ko. Halos tumalon ang puso ko sa gulat.
Vacant namin ngayon. Mamayang ala una pa ang sunod at last naming subject sa araw na 'to. We're both free. Tapos na namin ang activity sa RPH.
"Ba't ka nanggugulat?" reklamo ko.
Tinawanan niya lang ako. "Paanong 'di ka magugulat e lutang ka, girl? Sino 'yan ha? Alam mo? Feeling ko talaga may jowa ka na."
"Wala nga. Jowa ka diyan."
"E bakit may pangiti ngiti, aber? Nagkakagusto ka na sa lalaki, no?"
"Hindi ah. Tamang hinala ka rin, 'no?"
"Never nagkamali ang hinala ko, Natasha. Sino ba 'yan?"
"Wala nga," umirap ako. "Naalala ko kasi 'yong kaibigan ko. Lagi akong inaasar kasi cute daw ng ilong ko."
"O tignan mo? Lalaki 'yan for sure!"
"Malamang. Bukod sa inyo ni Betty, wala na akong ibang babaeng kaibigan."
"Baka may gusto sa'yo 'yang kaibigan mo na 'yan?"
"Ha? Bakit mo nasabi?"
"Aasarin ka ba niya kung hindi? Alam mo, Natasha. 'Yang mga lalaking 'yan, papansin 'yan sa babaeng gusto nila. Nagpapa-impress kumbaga. Saka mas nakaka-inlove 'yong lalaking napapatawa ka."
"Gano'n din ba si Dexter sa'yo?"
"Oo! Sabi ko sa'yo perfect 'yan for me eh. Trust me, Natasha. Baka may gusto sa'yo 'yan. Pero sino ba 'yan?"
"Si Aaron."
"Kababata mo?"
"Hindi. Pinsan ng kababata ko."
"Ilang taon na ba 'yan?"
"26,"
"26?!" halos sumigaw siya sa gulat. Napatingin sa amin ang mga kaklase namin saglit at balik ulit sa ginagawa nila. "Fudge, Natasha! Seryoso?!"
"OO nga," natawa nalang din ako sa reaksyon niya. "And the breadwinner ng pamilya."
"Weh? Mahirap ata 'yan."
"Bakit?"
"Siyempre uunahin niya 'yong pamilya niya kesa sa lovelife. May jowa ba 'yan? Baka naman meron ha?"
"'Di ko alam eh. Never naman siyang nabanggit."
"Gusto mo ba siya?"
Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi ah! We're just friends."

BINABASA MO ANG
Handang Maubos
General FictionWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?