Pagkauwi ko ng bahay, ang tahimik na hangin ang sumalubong sa akin. Bumagsak agad ang pakiramdam ko.
Dumiretso ako sa kwarto ni Papa. Binaba ko ang gamit ko roon. I took a deep breath and ran my palm against the bed. It felt different now. Cold and strange.
"Until now masakit pa rin, Pa. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. I'm still pretending. I'm still lying to myself that I'm fine."
Memories flashed through my mind. Those laughters, jokes and affection. I missed Papa's words of wisdom, his comfort and his support. He was the best of me. Losing him was losing out myself. Nang nawala siya, parang nawalan na rin ako ng ganang mangarap kahit gusto kong ipagpatuloy 'yong sinimulan namin kasi ano pa ang silbi ng mga pangarap kung wala na siya? 'Di na rin naman niya makikita iyon. Hindi na niya masasaksihan ang tagumpay ko.
Nang gabing iyon, pagkatapos kumain ng hapunan ay nagkulong ako sa kwarto ni Papa. There was a deep hole in my heart as I longed for my father. Kinuha ko ang gitara ko at nagpatugtog.
I keep pretending I can let go
I keep lying to myself
Sana kahit ngayong gabi lang ay maramdaman ko ulit ang yakap ni Papa. Kahit ngayong gabi lang ay makausap ko ulit siya. Gusto ko ng closure. I wanted to ask him why he left me too soon. He left me alone.
Few weeks passed, exam na ulit namin. I tried to focus. Nagpaka-busy muna ako para kahit sandali lang ay makalimutan kong nasasaktan ako.
"Nakapag-review ka na ba?" Ara asked me one time nang vacant namin.
"Yup. Gusto mo ba ng copy ng reviewer ko?"
"Yes, please? Wala pa akong nasisimulan."
"Ha? Bakit?"
"'Di ako makapagfocus. Lumalayag ang isip ko."
"Baka naman si Dexter lang iniisip mo," kantyaw ko sabay tawa.
"Bahala siya sa buhay niya. Basta magulo ang lahat. Saka ko na iexplain sa iyo kapag tapos na ang exam."
"Sige lang," sagot ko.
Nagtulungan kami ni Ara sa pagrereview ng past lessons. Gumawa kami ng reviewer at pagkatapos ay gumala kami sa isang SM dito sa Manila. Nag-relax muna kami para hindi maoverload ang mga utak namin.
"Wala ka bang chika diyan?" Ara asked habang kumakain ng ice cream.
"Anong chika?" Tanong ko pabalik.
"About sa inyo ni Aaron. Siguro naman iniwasan mo na siya?"
"Hindi na kami nag-uusap eh. Busy siguro siya at busy din naman ako."
"Mabuti naman kung gan'un. Hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin 'yang mga 'yan. If they want to give you their time, they will make time for you. 'Di 'yong nandyan lang sila kapag nagigipit sila."
"'Di naman ganu'n si Aaron," depensa ko. "Busy lang talaga sa trabaho 'yon. Saka ayoko rin namang abalahin."
"May girlfriend na rin siya, girl. 'Di ba nga sabi mo pakilala ni Aaron sa'yo kay sino nga ulit 'yon? Shiva?"
Natawa ako.
"Sheba," natatawa kong sabi.
"Ay sorry naman. Basta kay Sheba o Shiva. Sabi ni Aaron kaibigan ka ng pinsan niya. That means he denied you as his friend. Harap-harapan, girl!"
"Ang OA mo mag-isip, alam mo 'yon?"
"Hoy hindi kaya! Isipin mo kasi, Natasha. Bakit ka pinakilala ni Aaron na kaibigan ni Kiko kung puwede naman niyang sabihin na kaibigan ka rin niya? 'Di ba? 'Di ba? What's the sense? Kung kaibigan ka ni Kiko, bakit siya pumunta sa lamay ng Papa mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/244160762-288-k635411.jpg)
BINABASA MO ANG
Handang Maubos
General FictionWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?