Noong may klase na ulit kami, tahimik lang ako. Hindi ko feel ang magsalita. Si Ara lang ang madaldal. Noong nagka-vacant kami, nagdidiscuss siya sa sinagot ni Raineir kanina sa Communications Theory.
"Hoy, girl! Ang tahimik mo ngayon?" Sita ni Ara. "May problema ba?"
"Huh? Wala naman."
"Eh bakit dinaig mo pa ang brokenhearted? Masakit, ano?"
"Loka ka. Ano 'yang pinagsasabi mo?"
"Sus,"
"Suspicious," pabalang kong sagot.
"Ayan ayan! Ano 'yan, ha? Kanino mo natutunan 'yan?"
Natawa ako sa kanya. Ara's one of the best people I've ever met. Ang bilis naming mag-click as friends tapos ngayon halos 'di na kami naghihiwalay.
"Wala wala..." I denied. "Arte mo."
"Eh bakit nga ang tahimik mo? Wala ka bang chika ngayon?"
Napahinga ako nang malalim. Bumigat bigla ang dibdib ko.
"Two weeks na kaming 'di nag-uusap ni Aaron tapos nalaman ko noong isang araw na sila na ulit ng girlfriend niya."
"Huh?" Kumunot ang noo niya. "Eh 'di ba nga wala na sila two weeks ago lang din?"
"'Yon nga 'di ba? 'Di ko rin alam. Sabi kasi ni Kiko, 'yong pinsan ni Aaron, pumunta raw si Sheba sa kanila noong first week tapos nitong nakaraang araw ulit. That means okay na ulit sila?"
"Ang gulo naman? Ano ba talaga trip nila?"
I shrugged my shoulders.
"Hindi ko rin alam. Sabi naman ni Kiko ganoon daw talaga 'yong dalawa. Naghihiwalay tapos nagkakabalikan ulit."
"Eh paano ka?"
"Anong paano ako?"
"Huh? 'Di mo gets?"
"Hindi,"
"Paano ka ngayon kung nagkabalikan nga sila ni Sheba? Basura ka na naman?"
"What do you mean?"
Nalilito ako. Ano ba 'tong tinutukoy niya?
"Kulang ka sa hampas, Natasha. Naiinis na ako sa'yo." Umirap siya.
"Ha?" Tumawa ako. Halata ngang naiinis na siya sa'kin. "Promise 'di kita gets."
"Kasi 'di ba you went out pa nga noong gabing wala na sila tapos bigla ka nalang 'di kinausap for two weeks. Kasi siguro okay na ulit sila ni Sheba. 'Di ka na niya kailangan."
My lips were left open. Naubusan ako ng salita.
"It's obvious that he only has time for you kung hindi sila okay ni Sheba. Ginagawa ka niyang punching bag, Natasha. Alam mo anong ibig sabihin nu'n?"
"Hindi."
Napatampal siya sa kanyang noo.
"Delikado ka, Natasha. Kapag sinabing punching bag ka ng isang tao, parang rant person ka niya. Sa'yo siya tumatakbo at nagpaparelease ng sama ng loob kapag galit siya sa mundo at kapag okay na siya, tatakbo ulit siya palayo sa'yo. He's only there if it's convenient for him."
"Pero 'di naman issue sa'kin na ako 'yong takbuhan niya kapag may problema siya. I want to help, Ara."
"Iba kasi ang help sa pagiging stupid, Natasha. Realtalk ha? Hindi na rin tama na lagi kang available for Aaron tapos parang sa'yo niya ibubuhos 'yong sama ng loob niya. Nakakapagod 'yon, Natasha. Kawawa ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/244160762-288-k635411.jpg)
BINABASA MO ANG
Handang Maubos
Ficção GeralWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?