Noong wala akong pasok ay bumisita ako sa burol ni Papa. Ako lang mag-isa. Nagpaalam naman ako kina Nanay at Tatay. Pumayag naman sila.
"Flowers for you, Papa," sabi ko sabay lapag ng bulaklak sa kanyang lapida. "Miss na kita. Ilang buwan pa lang naman mula nang umalis ka pero feeling ko ang tagal mo ng nawala. Malaking kawalan ka sa buhay ko."
Bumalik sa alaala ko lahat ng pinagdaanan namin ni Papa. Those tears and laughter, those hugs and kisses. Naalala ko rin lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan namin. Hindi na ba talaga babalik si Papa? Sure na ba 'yan?
"'Di ba po magiging singer pa ako? Magiging sikat na singer din ako one day, Pa. Kung puwede sana nandoon ka para manood ng concert ko. I'll make you proud of me, Pa. Ipapakilala kita sa buong mundo at sasabihin ko sa kanila kung gaano ako ka-proud kasi naging tatay kita."
Kahit papaano ay hindi na ako umiiyak. Masakit pa rin naman pero ayoko ring malunod nalang sa sakit. Hindi ko hahayaan ang sarili kong madapa lang. Babangon ako tulad ng isang batang nadapa. Tatayo at tatakbo ulit. Masasaktan at masusugatan pero parte 'yan ng paglaki.
Pagkatapos kong dalawin si Papa ay tumambay muna ako sa isang MiniStop. Bumili ako ng cup noodles. I took a picture of my food and posted it in my story. Tumambay pa ako ng 30 minutes bago ko naisipang umuwi na.
Pagkauwi ko sa bahay, walang tao. I fished out my phone and called Nanay Gabbi. Pero walang sumagot kaya pinatay ko nalang ang tawag. I sighed and went to my room.
I picked up my guitar and tuned it. Hindi pa ako marunong mangapa kaya isang application ang ginagamit ko. Nang nasa tono na siya ay inipit ko ang capo sa unang fret at nagsimulang tumugtog. I built a chord progression and hummed with the melody. May nasimulan ako noong nakaraang araw. Itutuloy ko nalang 'yon.
I keep pretending I can let go
I keep lying to myself
If letting go is hard, moving on is harder. Moving on takes patience and acceptance of the things you already let go. But how can we let go if we only want to hold on? That's the question. Paano kung ayaw mo talagang bumitaw? Pero paano naman kung sa pagbitaw mo ay lalaya ka mula sa sakit?
But every night I wished that you were here
And tell me everything will be alright
You know that you're the best of me
Losing you was losing out myself
But what am I supposed to do?
Will I ever see you back again?
This was one of the questions that kept us awake every night. When we lost our loved ones, tinatanong natin kung kailan ulit natin sila makikita, mayayakap at makapiling. But no matter what we do, hindi natin masasagot ang mga tanong na 'yon. We just feed our minds with lies to make us feel better somehow. And that's already an act of survival.
Noong gabing iyon ay nagkita-kita kaming magtotropa. Dala ko ang skateboard ko. Ganoon din sina Betty at Kiko except kay Aaron na bike pa rin ang gamit.
"Ano, tara?" aya ni Aaron sa maaliwalas nitong mukha.
"Game!" masaya kong sagot.
Nilibot namin ni Aaron ang buong subdivision. Nakakatuwa lang kasi feeling ko ang tagal na naming 'di ginagawa 'to. Noong bakasyon naman halos gabi-gabi kami lumalabas para magpahangin at magkwentuhan.
"Anong balita sa'yo?" tanong bigla ni Aaron.
"Okay naman."
"Okay ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Handang Maubos
General FictionWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?