Kabanata 29

104 4 0
                                    

Aaron:

Thank you sa pagdamay sa akin kanina, Jackstone. I appreciated it. :)

Napangiti ako. Kauuwi ko lang sa bahay. Mabuti nalang din talaga na nakita ko siya kanina. Natakot ako sa kanya at sa puwede niyang gawin sa sarili niya.

Dahil malapit na ulit ang final exam ay naging abala ulit ako sa pag-aaral. I needed to cheer up myself at times when I felt like giving up. Wala na kasing gagawa sa akin nu'n kaya self service nalang. Kapag pagod na pagod ako pagkauwi, wala ng sasalubong sa akin ng yakap at biro. Wala ng maghahanda sa'kin ng pagkain dahil gutom ako. How I wished I could go back in time. Sa ganitong sitwasyon ko mas lalong namiss si Papa. Mas lalo kong napagtantong my life has never been the same since he was gone.

Ang hirap pa rin bumangon. Ang hirap imulat ang mata sa katotohanang wala na akong Papa. Ang hirap lang talaga. Sobra akong nanibago sa set up ng buhay ko ngayon.

"Ang rupok mo naman, girl. Baka naman gawin kang punching niyan ha?" Komento ni Ara nang naikuwento ko sa kanya ang nangyari noong isang gabing nakita ko si Aaron. "Pero kawawa naman din talaga si Aaron. Binigay na niya ang lahat pero 'di pa rin siya sapat."

"Paano kung ikaw ang nasa kalagayan niya? Anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Ano..." she trailed off. Napaisip siguro. "Kung ako 'yon, iniwan ko na rin."

"Bakit?"

"Loka ka ba? Kung ako ba naman ilang beses lolokohin, sinong matinong tao na tatanggapin pa rin 'yong taong nanloko sa'yo? Grabe naman katanga 'yan."

"Eh mahal mo eh," giit ko.

"Kahit naman, ano! Saka 'di ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Kung talagang mahal niya ako, bakit niya ako iiwan dahil lang sawa siya?"

Napakamot ako sa ulo ko.

"Pero 'di ko rin gets 'yong logic," bawi niya. "Sabi nila kapag mahal mo, huwag mong iwan. Kapag mahal mo, handa kang mag-sacrifice. But will it be worthy to sacrifice for someone if he doesn't even recognize your efforts?"

"Sabi kasi nila kapag mahirap na 'yong sitwasyon, doon talaga masusubok ang pagmamahal mo."

"Oo, nandoon na rin 'yon. Pero kasi misleading din siya. Minsan kasi ang tanging paraan to save both of you is to let go. Mahal mo pero hindi naman puwedeng lagi nalang mag-sacrifice. You have to balance the situation. Kung hindi na tama, bitaw na. Eh paano pa kaya kung ikaw nalang ang lumalaban at kumakapit 'di ba? Ikaw din 'yong kawawa sa huli. Ikaw lang din ang masasaktan samantalang 'yong isa malaya na mula sa'yo."

"So what should we do? 'Di ko talaga alam 'yang bagay na 'yan. 'Di ko pa rin gets."

"Alam mo? May mga taong against sa pang-iiwan kasi ang mindset nila is huwag mong iwan kahit mahirap na ang sitwasyon. Like I said, misleading siya. Kaya maraming kumakapit pa rin sa maling relasyon kasi naniniwala silang malalaman mong mahal mo ang isang tao kung willing ka masaktan para sa kanila. Kung lamang na ang sakit, bakit ka pa rin kakapit? 'Di ba kapag nakahawak ka ng mainit na kaldero, bumibitaw ka kasi masakit? Alangan namang kakapit ka pa rin sa kalderong mainit tapos sasabihin mong 'mahal ko eh'. Ano 'yon? Tanga lang?"

Natawa ako sa sinabi niya. Ang pait ng bawat salitang lumalabas sa kanya. 'Di ko alam kung naiinis ba siya kay Aaron o sadyang may laman lang talaga ang salita niya.

"At 'yang si Aaron? Tanga 'yan for sure. Maraming beses na pala siyang niloko pero tinatanggap pa rin niya ang babae? Wow! Puwede na siyang maging St. Aaron."

"Hoy loko!" Tumawa ako sa sinabi niya.

"Seryoso, Natasha. Sa totoo lang 'di na rin tama 'yang ginagawa niya. I adore men who fight for their love but not Aaron. Mali na rin siya."

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon