Kabanata 11

108 8 0
                                    

"Nakakapagod na talaga," reklamo ko kay Ara.

Vacant namin ngayon pero busy kami dahil tinatapos namin ang nakatambak na activities. 'Di ko na rin alam anong ginagawa ko sa buhay. Basta nag-aaral ako at may natututunan naman kahit papaano.

"Tapos naman sana ang midterm pero bakit feeling ko hindi pa?"

Natawa nalang ako sa sinasabi niya.

"Ano pa ba ginagawa mo?" she asked.

"'Di ko na rin alam," awkward akong ngumisi. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo.

"Sige na. Tapusin na natin 'to. Napapagod na rin ako sa set up na 'to. Report report amputik."

Natapos din namin ang gawain bago kami umuwi. Swerte si Ara dahil malapit lang ang uuwian niya samantalang ako ay sa Fairview pa. Sobrang layo at trapik na naman. Mas lalong nakakapagod.

Gustuhin ko mang mag-apartment nalang, marami akong dahilan para huwag ng tumuloy. Malalayo ako kay Papa. Wala na siyang tagapagtimpla ng kape. Wala na ring gigising sa akin para maghanda ng sarili sa pagpasok. Bukod kina Nanay at Tatay, ako nalang ang pamilya niya tapos lalayo pa ako.

Pagdating ko sa bahay, nagulat ako nang madatnan si Papa na naglilinis ng bahay. Kuminang kaagad ang mata ko at tumakbo ako papunta sa kanya.

"Papa!" masaya kong bati at niyakap nang mahigpit si Papa. "Akala ko 'di ka na uuwi!" I frowned at him.

He playfully pinched my nose. "Miss mo agad ako? Pambihirang bata 'to."

"Aba siyempre, Papa! Ayaw mo ba na namimiss ka ng maganda mong anak?" I grinned.

"Tingin nga saan banda?"

"Papa!" reklamo ko. Tumawa naman siya.

"Siyempre maganda ang anak ko. Pa-kiss nga!"

I giggled when Papa kissed my forehead.

"Ang baho mo, 'nak! Maligo ka nga du'n!"

"Ay grabe si Papa makalait. 'Di ko nga pinuna 'yang pawisan mong kilikili."

"Hoy 'wag ako, Natasha. Mabango 'to kahit pawis. 'Di tulad sayo. Paamoy nga,"

Inangat niya ang kamay ko at inamoy ang kilikili ko. Ngumiwi siya at lumayo sa akin.

"Ang asim, 'nak! Ano ba naman 'yan!"

"Eh sa lagay pawis ako," depensa ko. "Saka bacteria 'yan."

"Sige na maligo ka na doon. Pagkatapos mo, kakain ka na. Ayos ba 'yon?"

"Yes, Papa! Ligo na po ako!" Ngumisi ako.

"'Tong batang 'to. Dalaga na pero 'di pa rin maasikaso sa sarili. Ultimo paggising sa umaga, ako pa gigising. Hay naku, 'nak. Saan ka ba nagmana."

"Mana sa'yo siyempre!" Bumungisngis ako. "Sige, Pa. Ligo lang ako saglit."

Ang saya ko na naman dahil nandito si Papa. Buo na ang araw ko at tanggal ang pagod sa katawan. Kaya ang hirap malayo kay Papa. Iba ako kapag wala siya.

Matapos kong maligo ay nagpalit ako ng bagong damit. Naglagay ako ng tawas powder sa kilikili. Pawisin talaga 'to kaya nangangamoy. Kapag naglalagay naman ako ng tawas, dry ang kilikili ko buong maghapon.

Bumaba na ako pagkatapos. Kahit wala akong lakad ay nagpabango ako. Minsan nakaka-conscious ng sarili mga biro ng tatay ko. Pero tama naman siya. Lalo pa't babae ako at nasa kolehiyo na. Dapat nag-aayos na ako ng sarili.

"Pa!" tawag ko pagkababa. "Sila Nanay at Tatay pala?"

"Namalengke, 'nak. Sabi ko kasi magluluto ako ng menudo."

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon