"You looked stressed," komento ni Ara nang sabay kaming kumain ng tanghalian. 'Di pa sana ako kakain kung 'di niya lang ako napilit.
"Halata ba?" I asked.
"Oo! Bakit? Anong nangyari? Pansin ko lagi ka ng umuuwi nang maaga."
I lost count how many days had passed after I found out my father was diagnosed in stage 4 liver cancer. Nagkahalo halo na ang problema ko. Halos bumagsak ako sa History class dahil napabayaan ko. May iba namang pasang-awang grades. Maski sila ay nagtaka kung bakit ganoon na lamang ang grades ko gayong matalino naman daw ako.
Uminit ang sulok ng mata ko. Nagulat naman si Ara.
"May..." I trailed off. 'Di ko kayang banggitin ang sakit ni Papa.
Ayokong maniwala sa nalaman ko. Stage 4?! Agad agad? Bakit ngayon lang?
Umiling iling ako at yumuko. Umiyak nalang ako sa sakit. 'Di ko pa rin lubos maisip kung paano nagkaroon ng cancer si Papa gayong malakas naman siya nitong nakaraang mga buwan.
"Hala, Natasha!" Tarantang boses 'yon ni Ara. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako.
I was scared of losing my father. I was scared of living alone. Iniisip ko palang na mawala si Papa, 'di ko na kaya. I can't imagine growing up alone. Sobrang hirap. Kasi nasanay akong nandyan siya. Nasanay akong kapag may problema ako, nandiyan siya to comfort me.
Ngayon lang nag-sink in lahat sa'kin. Na kaya pala gusto ni Papa na matuto akong tumayo sa sariling mga paa dahil alam niyang 'di magtatagal ay iiwan niya rin ako. Paano na ako? Paano na ako kung wala si Papa? Sino nalang susuporta sa mga pangarap ko?
"Shsh," alo ni Ara.
Suminghot ako at nagpunas ng luha sa mukha. Nakatambay kami sa labas kaya may iilang nakakita sa amin lalo na sa akin na umiiyak. Baka kung ano ang iisipin nila.
"A-Ayokong mawala si Papa... 'di ko kaya, Ara..." umiiyak kong sabi. "S-Sabi ng doktor... may stage 4 liver cancer daw si Papa. Paano na ako?"
Hindi ko mapigilang umiyak. Sobrang sakit. 'Di ko na alam anong gagawin ko. Bakit naman si Papa pa ang mawala sa'kin?
Niyakap lang ako ni Ara. 'Di siya nagsalita. Tuloy naman ako sa pag-iyak. Masakit pa rin. Ayokong isipin pero 'di ko maiwasan.
Pagkatapos ng klase, umuwi kaagad ako sa bahay. May iniinom na si Papa na gamot para kahit papaano ay lumiit ang kanyang bukol sa atay. Ang sabi ay 'di kayang operahan ngayon dahil halos 3/4 ng atay ni Papa ay apektado. Kapag tanggalin 'yon, wala na ring silbi ang natitirang 1/4.
"Papa," sambit ko at nagmano kay Papa. "Nandito na ako."
I tried to smile. Ayokong ipakita kay Papa na nasasaktan ako sa kalagayan niya. Naaawa ako kasi puwede namang iba, bakit si Papa pa?
"Kumain ka na, Pa?" Tanong ko.
Tumango lang si Papa. Ang laki talaga ng pinagbago niya. 'Yong tiyan niya, may unusual na bukol. Iyon daw 'yong atay niya na apektado ng cancer cells. Hinang hina na siya at minsan wala pang ganang kumain.
Umaktong masusuka si Papa. Dali dali kong kinuha ang tabong nakabalot ng plastik. Sumuka si Papa roon pero konti lang.
"Pa," hinagod hagod ko ang likod niya habang pinipilit niyang sumuka.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. If only I could take away his pain, his cancer, gagawin ko 'yon nang walang alinlangan. Kung puwede ko lang akuin, ako na sana ang nahihirapan.
Nang matapos sa pagsuka si Papa, kumuha ako ng maligamgam na tubig at pinainom siya. Uminom naman siya pero konti lang.
Pinanood ko si Papa. Parang pinipiga ang puso ko. Gusto kong mawala na 'yong sakit ni Papa pero 'di ko alam kung paano.
BINABASA MO ANG
Handang Maubos
Narrativa generaleWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?