Kabanata 7

121 6 2
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, nagulat ako nang madatnan si Papa sa sala na nanonood ng tv. Binaba ko ang gamit ko sa mesa at nilapitan si Papa.

"Pa," sambit ko at kinuha ang kanang kamay niya para magmano. "Ang aga mo ata? Akala ko ba matagal pa ang uwi mo?"

"Break muna sa work, 'nak. Siguro next week ulit ang trabaho."

"Huh? Bakit gano'n? Saka pabigla bigla ka, Papa."

"Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Linggo ngayon, ah?"

"Papa, may NSTP kami. Saka naglibot kami ni Ara sa mall."

"May binili ba kayo?"

"Wala naman po,"

Tumabi ako kay Papa. Kinilatis ko ang mukha niya. Mukhang pagod si Papa.

"Kararating mo lang ba, Papa? Bakit parang pagod ka?" Usisa ko.

"Baka sa biyahe lang 'to," aniya at nag-iwas ng tingin. Nanood ulit siya ng palabas.

"Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape, Pa?"

"Huwag na muna, 'nak. Ayos lang ang Papa mo."

I blinked once. Ano kayang problema? Iba si Papa ngayon, ah.

"Sige po. Akyat muna ako sa taas para makapagbihis."

Tumahimik na si Papa. Hinintay ko siyang sumagot pero nang naramdaman kong ayaw ni Papa mamansin, umakyat na ako sa kwarto ko para makapag-ayos ng sarili.

Kinuha ko kaagad ang notebook ko at nagsulat ng entry.

August 23, 2015

I don't know what's going on but Papa is acting weird! Ayaw niya ng kape ko!!! And to think biglaan ang uwi niya ngayon, 'di ko alam anong ire-react ko. I am happy naman pero kasi iba si Papa ngayon. 'Di kaya doppleganger 'to siya??? Hindi kaya siya 'to???

Natatakot ako!! Baka ibang Isidro Cujuanco 'to ha?? Naku! Malalagot talaga sa'kin 'tong mapagpanggap na 'to!!

Check ko ulit if si Papa ba talaga 'tong umuwi. Hmm. I can smell something fishy.

I closed the notebook and sighed heavily. Bakit kaya ang weird ni Papa ngayon?

Noong gabing iyon ay maagang natulog si Papa. Naisipan ko namang lumabas ng bahay at makipagkita kay Aaron. Kahit alam kong wala kaming usapan ngayon o 'di ko alam kung available ba siya, umasa pa rin ako. Gusto ko lang ng kausap. Gusto kong mailabas 'tong bigat na nararamdaman ko.

Sa labas ng bahay nila Kiko, saktong lumabas si Aaron pagkarating ko. Medyo nagulat siya nang nakita ako. Tinapon niya muna ang plastic ng basura saka sinalubong ako.

"Oh?" Aniya.

"Puwede ka bang makausap?" Tanong ko.

"Oo naman. Wait lang. Maghuhugas lang ako ng kamay. Balikan kita, okay?"

"Take your time," sabi ko.

Pumasok ulit siya sa loob. Umupo naman ako sa gutter. Wala akong dalang bike. Hindi gaano malamig ang hangin o baka dahil lang sa suot kong makapal na jacket kaya 'di ko ramdam 'yong lamig.

Pagkabalik ni Aaron, tumabi siya sa'kin. Amoy alcohol na siya at bagong hilamos ng mukha.

"Bakit? May problema ba?" Tanong niya.

"Ewan ko pero iba kasi si Papa ngayon."

"Andyan Papa mo?" Tunog nagulat niyang tanong. Pati siya 'di makapaniwala na umuwi si Papa.

I nodded. "Biglaan din ang dating niya. Nagulat nga ako e."

"Eh ano bang issue?"

"Kasi mukha siyang pagod at ang tamlay niya. Inalok ko siya ng kape pero ayaw niya."

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon