The worst part of life is losing something valuable to you and you don't get the chance to say goodbye. It just disappeared like the only choice is to let go of that. It would be okay if you just lose that thing but what if you will also lose yourself?
December 14, 2015
At exactly 3:15 in the morning, namatay ang lahat ng pangarap ko. Tuluyan nang bumitaw si Papa sa pagkakahawak sa'kin. Siguro pagod na rin siya. O kaya kahit gusto niya pang lumaban, mahirap kalaban ang kamatayan. Katawan na rin niya mismo ang sumuko. Sana masaya na 'yong cancer cells kasi nagtagumpay sila sa pagcorrupt ng katawan ni Papa.
Paano na ako ngayon niyan? Wala na 'yong first love ko. Wala ng mangungulit sa'kin na ipagtimpla siya ng kape. Wala ng gigising sa'kin sa umaga para pumasok. Wala na akong uuwian after class. Siya pa naman ang pahinga ko. Wala na 'yong magpapasalubong sa'kin ng macaroons. Wala na lahat.
Saan ako magsisimula kung ang pagkawala ni Papa ang katapusan ng lahat? Paano pa ako magiging malakas kung wala na 'yong pinaghuhugutan ko? Sino nalang ang magmamahal sa'kin nang buo at tanggap ang pagkatao ko?
Bigla akong napatanong kung naging mabuting anak ba ako kay Papa. Of all those times na nandito pa siya, naparamdam ko kaya sa kanya kung gaano ko siya kamahal? Nasabi ko kaya kung gaano ako ka-swerte kasi siya ang Papa ko?
Kung pagpipiliin man ako, araw-araw kong pipiliin si Papa dahil sa kanya nagsimula ang buhay ko. Siya ang tumayo sa pangarap ko. Siya ang unang naniwala at sumuporta sa'kin. Those times when I felt like the world was against me, he was there to remind me na kakampi ko siya.
At ngayong wala na nga siya, sino nalang ang kakampi ko? Sino nalang ang magiging kalasag ko sa pakikipaglaban sa buhay?
Pinauwi ako ni Nanay Gabbi para ayusin ang bahay. May nai-kontak na rin siyang kapitbahay namin para tutulong sa akin sa pagliligpit.
Pagkauwi ko, tulala lang ako. The whole place sent unsual vibes to my skin. Sobrang lungkot. Sobrang bigat.
Nakatulala lang ako. 'Di ko alam kung anong uunahin kong gawin. Blanko ang isip ko sa nangyayari.
"Day Natasha?" Boses ng babae 'yon galing sa labas ng boses. Narinig ko nalang ang pagpasok niya. "Ano ba 'yan, Natasha? Bakit wala ka pang ginagawa?"
Nilingon ko si Aling Jonah. Kapitbahay namin siya na kaibigan din ni Nanay Gabbi.
"Kumilos ka na, Natasha. Huwag kang magpakahina diyan. May mainit na tubig ba kayo?"
"Nasa kusina po," sagot ko.
She hissed, looking disappointed at me.
"Kung paganyan ganyan ka na wala na ang Papa mo, ewan ko nalang sa'yo. Dapat naglilinis ka na ng bahay niyo ngayon para pagdating ng Papa mo maayos na."
Hindi ako umimik. I was too tired to argue kaya umalis nalang ako. Iniwan ko siya sa baba. Nagkulong ulit ako sa kwarto. Hihintayin ko nalang si Nanay na dumating.
'Di ko gusto 'yang si Aling Jonah. Kilala 'yang chismosa rito sa subdivision. Sabi nga ni Papa 1/100 sa sinabi niya ay totoo. 'Di ko nga alam kung paano 'yan naging kaibigan ni Nanay Gabbi.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Aaron na wala na si Papa at nasa bahay ako mag-isa lang. Ilang minuto ang hinintay ko pero wala siyang reply kaya pinatay ko nalang ang cellphone at kinuha ang gitara. I started playing I'll Always Love You ni Michael Johnson.
And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you

BINABASA MO ANG
Handang Maubos
General FictionWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?